top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahit naka-jackpot… THEA, 'DI PA GAME MAGPAKASAL SA BF NA PILOTO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 12, 2022
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 12, 2022



Inamin na ng Kapuso actress na si Thea Tolentino na may BF na siya, isang piloto ng PAL Express.


Isang taon na ang kanilang relasyon pero hindi pa raw niya priority ang pag-aasawa.


Hindi pa rin naman nagpo-propose ang BF niyang si Martin San Miguel na tubong-Laguna.


Si Juancho Trivinio ang naging tulay upang magkakilala si Thea at ang piloto. Classmate ni Juancho itong si Martin San Miguel at pareho silang taga-Sta Rosa.


Highly recommended ni Juancho si Martin kaya nakatitiyak si Thea na good boy ito at magiging responsableng padre de familia 'pag nagpakasal na.


So far, ngayon pa lang naging open si Thea Tolentino sa kanyang love life at non-showbiz guy nga ang napili niya kaya mas pribado.


Samantala, speaking of Juancho, inspirado ngayon ang aktor sa kanyang career dahil preggy na naman ang kanyang wifey na si Joyce Pring.


Sa April, 2023 nakatakdang isilang ni Joyce ang kanilang second baby ni Juancho.


Magiging family of four na sila!


Maganda ang feedback sa role ni Juancho sa Maria Clara at Ibarra bilang si Padre Salvi.


Markado at malakas ang impact nito sa mga viewers.


Naging malaking challenge ito kay Juancho Trivinio dahil kakaiba sa mga roles na dati niyang ginagampanan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page