top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahit nahirapan bago sumikat… SANYA, MAS PINILING MAG-ARTISTA KESA BEAUTY QUEEN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 28, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | July 28, 2022




Kung hindi pala nakapasa si Sanya Lopez noong nag-audition siya para sa Encantadia, ang kanyang back-up plan ay sumali sa mga malalaking beauty pageants.


Nag-training na siya noon sa Aces & Queens ni Jonas Gaffud. Pero, dahil pag-aartista talaga ang hilig niya, hindi siya agad sumuko kahit marami siyang hirap na pinagdaanan bago tuluyang napili para sa role na Danaya sa Encantadia. Ilang beses siyang nag-audition para sa iba't ibang roles tulad ng character nina Lira at Mira sa Encantadia.


May mga kumukuwestiyon kung bakit siya ang napiling gumanap na Danaya ganu'ng isa lang siyang baguhan at hindi pa gaanong sikat.


Si Diana Zubiri ang unang gumanap na Danaya sa Encantadia noong 2005. Taong 2019 nang magkaroon ng sequel ang Encantadia at dito na nakasama ni Sanya sina Kylie Padilla at Gabbi Garcia.


Big break kay Sanya ang Encantadia at dito siya napansin kaya nabigyan ng iba pang shows sa Kapuso Network. Big, big success ang First Yaya at First Lady na pinagtambalan nila ni Gabby Concepcion.


May follow-up project na rin na gagawin si Sanya Lopez at nakatapos nang mag-record ng kanyang debut single na Hot Maria Clara.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page