Kahit nagsori na… LOLIT, TANGGAP NA TINANGGAL NG PAMI DAHIL KAY BEA
- BULGAR
- Oct 20, 2022
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 20, 2022

Tinanggap nang maluwag ng veteran talent manager/entertainment columnist na si Manay Lolit Solis ang pagkaka-expel sa kanya ng PAMI (Professional Artists Managers, Inc.) at siya mismo ang nag-anunsiyo nito sa kanyang Instagram page.
Sa kanyang Instagram page ay ipinost ni 'Nay Lolit ang sulat ng PAMI na kanyang natanggap kung saan ay nakasaad na ine-expel siya dahil may na-violate siyang rule sa organisasyon at ito ay ang pagsasapubliko niya ng mensahe ni Shirley Kuan sa kanilang Viber chat.
Ayon kay 'Nay Lolit, aware naman siya na may nagawa siyang kasalanan at pinuri pa niya ang presidente ng PAMI na si Junne Rufino for making a stand.
“Nalungkot ako, Salve, nang matanggap ko ang EXPULSION letter ng PAMI. Alam ko na may nagawa akong kasalanan kaya tanggap ko ang parusa. Humanga ako dahil naging matapang si June Rufino this time na gumawa ng stand.
“Magandang example na ipakita nila sa lahat na binibigyan nila ng parusa ang mga hindi sumunod sa rules ng PAMI,” pahayag ni 'Nay Lolit.
Muli ay nag-sorry ang manager nina Lorna Tolentino, Tonton Gutierrez, Christopher de Leon at iba pa sa gulong ginawa niya na nagsimula sa pagpuna niya kay Bea Alonzo.
“I am sorry for messing up, at mabuti nga ginawa nila ito at baka dumami pa ang mag-resign tulad ni Shirley Kuan. Ngayon, hindi na magre-resign ang mga ayaw sa akin, dahil expelled na ako. At least, na-EXPEL ako dahil sa ibang rason at hindi dahil sa BULLY ako,” ani 'Nay Lolit.
“I admit to my mistake, I bow to June Rufino as president of PAMI, and I hope the organization at ang mga members, magtagumpay lahat lalo na ang mga alaga nila na parang anak na kaya inilalaban nang patayan gaya ni Shirley Kuan kay Bea Alonzo. Wish all of you well and success.
Your EXPELLED member, Lolita Solis,” pagtatapos ni 'Nay Lolit.





Comments