Kahit nagsori na… ALEX, NEVER NANG MAWAWALA ANG TATAK NA BASTOS
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 21, 2023

Kahit nag-sorry na si Alex Gonzaga sa waiter dahil sa ginawa niyang pagpahid ng icing ng cake sa noo nito nang magdaos siya ng birthday party kamakailan, hindi pa rin humuhupa ang galit ng mga netizens sa aktres-vlogger.
Ang sinasabi naman nila ngayon, mukhang hindi raw sincere si Alex sa kanyang pagso-sorry at ginawa lang ‘yun para matapos na ang issue at para kumalma na ang mga nagagalit.
Pero hindi pa rin nga kumalma ang mga tao dahil feeling nila, may “off” pa rin, tulad na lamang ng pagso-sorry niya sa waiter 2 days after na maganap ang insidente. Dapat, right there and then, nang gabi ring iyon sa party ay nag-sorry na siya. Bakit late ang sorry? Dahil ba sa bina-bash na siya?
Hindi rin nagustuhan ng mga tao na pinagawa pa ng sulat ang waiter at ini-release pa sa media para lang sabihing okay na sila.
Sey ng isang netizen, “‘Yung ikaw na pinahiran, pero ‘kaw pa pinasulat.”
Actually, mag-sorry man si Alex ngayon, parang hindi na ito masyadong makakatulong para mabago pa ang paningin ng mga tao sa kanya.
Mas nakatatak na ngayon sa isip ng marami na hindi talaga maganda ang kanyang ugali lalo pa nga’t nagsilabasan din ang ibang mga nakatrabaho niya na nagpapatunay na may ‘attitude’ siya talaga.
Kung paniniwalaan ang mga testamento ng mga nakasama niya sa trabaho, iisa talaga ang lumalabas na pinakaproblema sa attitude ni Alex. Ito ay ang pagiging insensitive niya at kawalan ng respeto sa mga tao.
‘Yung pagiging late niya lagi sa mga tapings or shootings na inirereklamo sa kanya, ibig lang sabihin talaga nito ay wala siyang pagpapahalaga o respeto sa oras ng iba.
Maging ang ginawa niyang pagpahid ng icing sa waiter, it also boils down to ‘respect’ dahil hindi niya ito gagawin kung may respeto siya ru’n sa tao. Kung ikinakatwiran niya na close sila, bakit hindi sa asawa niya ipinahid?
Ma-fix or maayos lang ni Alex ang ugali niyang ito, tiyak na magiging maganda ang relasyon niya sa mga tao lalo na sa mga maliliit na taong nakakasalamuha niya.





Comments