Kahit nagmu-move on na… CARLA, 'DI NAGHAHANAP NG KAPALIT NI TOM
- BULGAR
- May 6, 2023
- 2 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 6, 2023

Nag-share ng quotation si Carla Abellana mula kay Louise Kaufmann na ang sabi, “It’s okay if you move on — not to find somebody else, but to find yourself.”
Ang ganda ng quotation at ito ang ginagawa ni Carla, moving on to find herself at sabi naman nito sa Zoom interview sa kanya para sa seryeng Voltes V: Legacy, she’s moving on beautifully at nakakatulong na marami siyang trabaho at pinagkakaabalahan.
Nang matanong nga kung ano’ng Carla ang makikita sa kanya ngayon, masaya ang sagot nitong, “Maraming version ni Carla ang makikita sa akin at isa na rito ang pagiging part ko ng iconic project, ito ngang Voltes V: Legacy at airing na kami sa May 8, and everybody is excited.
“First time ko ring magiging kontrabida sa Stolen Life. First time ko to explore sa character na kontrabida. For a change, makita naman akong bad at nag-e-enjoy ako as Lucy,” sagot ni Carla.

“May aabangan pa kayo, Carla as a businesswoman. Sana maituloy ko na ang soap business ko,” ani Carla na marami ang matutuwa.
Marami rin ang tiyak na susuporta sa bubuksan niyang soap business at hindi lang ‘yun dahil gumagawa na rin siya ng scented candle na nakalagay sa glass na ang gandang tingnan.
Pinuna ng press na maganda ang aura niya ngayon at ang sagot ni Carla, “Hindi ko masabing mas happy ako, but definitely much better than last year. Mas inaalagaan ko rin ang sarili ko and I learn to let go of things I can’t control, I let go of toxic and anything negative. Instead, I count my blessings every day.”
Samantala, may post si Carla ng front door ng isang bahay at may caption na “Home”.
Ang feeling nga namin, front door ‘yun ng ipinapagawa niyang bahay na malapit nang matapos.
Kapag natapos at nakalipat na sa bagong bahay niya si Carla, big achievement ito para sa kanya dahil mag-isa niyang ipinagawa ang bahay.





Comments