ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 4, 2024

Hala! Kung kailan naman malapit na ang kasal nina Bea Alonzo at Dominic Roque ay saka naman sila nagkaroon ng tampuhan at hindi pagkakaunawaan.
Umabot na nga raw ang lahat sa hindi pagsusuot ni Bea ng engagement ring na bigay ni Dominic, na nakaagaw ng pansin ng ilang netizens kaya labis na nag-aalala ang kanilang mga tagahanga at maging ang malalapit nilang kaibigan.
At may mga lumalabas pang kung anu-anong espekulasyon na siyang dahilan umano ng problema ngayon nina Bea at Dominic.
May natuklasan bang misteryo si Bea Alonzo? Nadismaya ba siya sa kanyang future groom na si Dominic? May third party bang involved?
Well, maraming soon-to-be married couples ang nakakaranas din ng ganitong sitwasyon bago dumating ang araw ng kanilang kasal. Nakaka-stress naman kasi ang wedding preparations kaya hindi maiwasan na magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang ikakasal na minsan ay nauuwi sa pag-aaway at paghihiwalay.
Pero, sana sa kaso nina Bea Alonzo at Dominic Roque, ‘wag nilang pairalin ang sobrang pride at matutong magpakumbaba.
May payo rin kay Bea ang ilang nagmamalasakit nilang kaibigan. Although si Bea ang in-charge sa mga detalye ng kanilang kasal, huwag naman niyang sumbatan at i-pressure si Dominic. Bigyan niya ito ng sapat na space at kalayaan at ‘wag gaanong mag-demand ng atensiyon.
Pareho lang naman sila ni Dominic na nagdaraan ngayon sa crossroads ng kanilang buhay dahil sa desisyon nilang magpakasal. Pasasaan ba at mareresolba rin nila ang kanilang mga problema.
Sabi nga “love conquers all”. Kailangan na mangibabaw ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Hindi naman siguro si Bea ang tipo na “runaway bride” na magba-backout sa kanyang kasal.
Sobrang mahal niya si Dominic. Mahirap na siyang makahanap pa ng isang katulad ni Dom na husband material at responsible.
Comments