Kahit naghiwalay, never daw makakalimutan ang mga nangyari… KYLINE, UMAMING MARAMING NATUTUNAN SA RELASYON NILA NI KOBE
- BULGAR

- Jul 13, 2025
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | July 13, 2025
Photo: Kyline Alcantara - Fast Talk with Boy Abunda
Sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), ibinahagi ni Kyline Alcantara ang natutunan niya sa relationship nila ni Kobe Paras.
Nag-open up ang Kapuso actress kay Boy Abunda kung bakit mas pinili niyang manahimik matapos ang hiwalayan nila ng last boyfriend.
“Kaya hindi po ako nagsalita, kasi I still have respect for him as a person despite everything that happened.
“And sa lahat naman po ng mga tao na nasaktan ako, I will always show them grace,” dagdag pa ni Kyline.
Kahit nasaktan, “beautiful experience” pa rin naman para kay Kyline ang naging relasyon nila ni Kobe.
“I felt really happy. I felt really loved. It’s just that we’re two different people. And that’s okay. And that is okay,” pakli niya.
“I’ve learned a lot of lessons in that relationship. And I will always treasure every experience or achievements po na nagawa naming dalawa.
“I’m not gonna lie, at first there’s bitterness. But ngayon po, wala na. Kasi, again, you cannot be bothered by the things that you cannot control,” pag-amin niya.
Dalawang power lessons daw ang natutunan ni Kyline sa naging relasyon nila.
Sey niya, “Knowing your boundaries and having self-respect. Siguro, ‘yun po ‘yung dalawang importante na natutunan ko po sa relationship na ‘yun.”
Misis, todo-enjoy pa sa pagbabalik-showbiz…
JESSY, KUMANTANG GUSTUNG-GUSTO NA NI LUIS NA MAGKA-BABY ULI
SINAGOT ni Jessy Mendiola sa isang panayam ang nabanggit ng kanyang mother-in-law na si Governor Vilma Santos-Recto kamakailan na tila susundan na raw nina Jessy at Luis Manzano ang unica hija nilang si Peanut.
Ang reaksiyon ng isa sa lead actresses ng Sins of the Father (SOTF), “Gustung-gusto na nga nila, eh. Kahit si Luis, gusto na rin. Pero kung ano ang ibibigay ni Lord, okey sa akin. Kahit kailan s’ya dumating… kung talagang nand’yan na ang pangalawang baby, go!”
Pero, tila may agam-agam pa rin siya sa kanyang reaksiyon. Kasi, this year daw ay parang timely na muling umaalagwa ang kanyang career.
Regarding naman sa commercial na gustong makasama ni Ate Vi si Peanut, tila hindi mauuna ang Star for All Seasons na makasama ang apo dahil nagpahaging si Jessy na may commercial na raw silang nagawa ng anak na malapit nang ipalabas.
‘Yun na!
Pareho raw ‘di marunong umarte…
KATHRYN-JAMES, ‘DI BET NG MGA FANS
PAWANG mga negatibong komento ang natatanggap ng Dreamscape Entertainment mula nang i-announce nilang magtatambal sina Kathryn Bernardo at James Reid sa kanilang bagong proyekto, ang Elena 1944.
Una na raw nangyari ito sa Incognito noon, pero naka-survive naman ang programa kahit PR nightmare rin during ng promo period.
Big factor naman daw kasi na magagaling umarte ang main cast, pati ang mga guests at ibang extras kaya pumatok pa rin despite the issues.
Komento ng mga netizens:
“May talent naman kasi sila, eh, si James Reid ba, marunong umacting?”
Maging si Kath ay pinuna rin ang acting, “Puwede kayang iba na lang bida ru’n sa Elena 1944? Walang kalatuy-latoy acting ni Kath, sa totoo lang.”
“If Kathryn doesn’t upgrade her acting skills sa Elena 1944, she’ll gradually go downhill from there.”
“‘Di ko pa rin gets kung paano s’ya nagkaroon ng FAMAS Best Actress award para sa A Very Good Girl (AVGG), ang pangit ng acting n’ya doon, mas maganda pa acting niya sa Barcelona.”
“Rom-com daw ‘yung kina James at Kathryn? Parang hindi sila bagay sa ganyang genre.”
“Sa Paris ang location kaya yabang-yabangan na naman mga fans ni Kathryn. Kathryn not beating the loveteam + international location formula truther.”
“I feel like their show may not receive the ratings they expect. I don’t know how it will be like for Kathryn and James.”
Tingnan na lang muna natin…






Comments