Kahit nag-two-piece pa… KATHRYN, NEVER MAG-A-ALA-NADINE
- BULGAR

- Mar 29, 2022
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | March 29, 2022

Maraming ginulat si Kathryn Bernardo nang mag-post siya sa social media ng kanyang super sexy na larawan na nakasuot ng white two-piece.
May korte naman ang katawan ni Kathryn at lumutang ang kanyang kaseksihan. Hindi nga lang sukat-akalain ng mga diehard fans niya na kaya rin pala niya ang magpaka-daring and sexy.
Nasanay na sila na laging wholesome at pa-tweetums ang image ni Kathryn. Pero, katwiran ng aktres, sa edad niyang 26, panahon na rin na mag-mature siya at mag-level-up ang kanyang image bilang artista.
Ang inaalala lang naman kasi ng mga tagahanga ni Kathryn ay baka tularan niya si Nadine Lustre na sobrang daring na ngayon.
Well, hindi naman siguro aabot sa ganu'n si Kathryn Bernardo dahil inaalala pa rin niya ang kanyang mga fans and supporters.
Tiyak na maninibago sila kapag bigla siyang nagkaroon ng change of image. At hindi rin mismo papayag ang kanyang parents na siya ay maging sexy and daring.





Comments