top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kahit mga Kapamilya stars… COCO AT JULIA, NAGPAINTERBYU SA GMA-7

Writer: BULGAR
BULGAR
May 23, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 23, 2023



Kabilang sina Coco Martin at Julia Montes sa mga Kapamilya stars na dumalo sa celebrity watch party ng Unbreak My Heart.


Game rin na nagpa-interview sa mga reporters ng Kapuso Network ang dalawa, kaya mapapanood sila sa newscast ng GMA-7.


Natutuwa ang mga fans nina Coco at Julia na makitang magkasama ang dalawa sa public event at inuunti-unti na raw ng mga ito ang kanilang relationship reveal.


Matatandaang unang lumabas sa Daisy Siete ng GMA-7 si Coco at si Julia naman ay leading lady ngayon ng Kapuso actor na si Alden Richards sa pelikulang Five Break-Ups and a Romance.


Dahil tuluy-tuloy na ang collab ng ABS-CBN at GMA-7 at tila may isa na naman silang partnership na gagawin, maraming fans ang nagre-request na pagkatapos gawin nina Alden at Julia ang nasabing pelikula, pagsamahin naman daw ang dalawa sa isang teleserye.


Wish din ng mga fans na kunin si Coco para gumawa ng proyekto kasama ang isang Kapuso actress o mas maganda, pagsamahin sila ni Alden.


Anyway, pagkatapos ng naturang celebrity watch party, muling nakita sina Coco at Julia sa ginanap na misa para sa first death anniversary ni Ms. Susan Roces sa kanyang himlayan. Present din si Sen. Grace Poe, anak nito at mga pamangkin ni Ms. Susan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page