Kahit mga BFF ng aktres… KIM AT BELA, WALA SA BABY SHOWER NG ANAK NI ANGELICA
ni Julie Bonifacio - @Winner | August 24, 2022

Nakakaaliw panoorin ang mga vlogs ni Angelica Panganiban sa YouTube channel nila ng kanyang partner na si Gregg Homan, ang The Homans.
Napapayag ni Angelica na sumama na si Gregg sa kanyang mga vlogs, at mukhang nawala ang pagiging private person o mahiyain ng partner ni Angelica.
Ani Gregg, kahit ayaw niya at mahiyain siya, hindi na siya tumanggi nu’ng yayain ni Angelica na sumama sa kanyang mga vlogs.
Bukod d'yan, may iba pang dahilan si Gregg sa publiko kahit ‘di naman talaga siya celebrity.
“I’m so nervous,” sabi ni Gregg sa first vlog nila ni Angelica. “But she wanted to do this.
Sana, makatulong ‘to sa ‘yo para hindi ka masyadong mabaliw sa akin. No, ibig kong sabihin, ‘yung ‘di mo ako palaging inaaway. Kasi meron ka nang nilalabasan ngayon ng energy.”
Ini-reveal din nina Angelica at Gregg kung paano sila nagkakilala. Ayon kay Angge, ang aktres na si Cherry Pie Picache ang kaibigan ni Gregg at nag-request ng date para personal siyang makilala.
Na-discuss din nila roon kung paano talaga 'yung scenario nu'ng malaman ni Angelica na buntis siya with matching videos this time.
And then, ini-reveal na rin nila ang ilan sa mga kukunin nilang ninong at ninang ng kanilang baby girl.
Top on the list ang mga best friends ni Angelica na sina Glaiza de Casto, Ketchup Eusebio at John Prats, habang si Gregg naman ay ang kanyang mga kaibigan at business partner sa paggawa ng yate sa Subic.
Saka na raw nila ire-reveal kung sinu-sino pa ang idaragdag sa list ng godparents ng kanilang first born. Pero ang mga netizens, waiting kung kukunin ba ni Angelica na ninang ang mga kasama niya sa girl group nilang “AngBeKi” na sina Bela Padilla at Kim Chiu.
Wala kasi sina Bela at Kim sa ginanap na baby shower ng Star Magic para kay Angelica.
Hindi naman sa dinedma nina Bela at Kim or may something sila with Angelica and vice-versa. Nasa Europe pa kasi si Bela at na-timing naman ang US tour ni Kim kasama ang ibang Star Magic artists.
Inaabangan din kung kukuning ninang ni Angge sina Angel Locsin, Bea Alonzo and Anne Curtis.
Speaking of baby shower, sa ibang vlog nina Angge at Gregg ay ipinaalam na nila ang special request nila na gift from Cherry Pie na siyang naging ‘bridge’ ng dalawa — refrigerator!
Another revelation sa vlog nina Angge ay ang plano pala nilang gumawa ng sarili nilang yate ni Gregg.
For sure, bonggang-bongga ang yateng gagawin ni Gregg for Angge at sa kanilang baby.
At malamang, isusunod nila ang name ng kanilang yate sa name ng kanilang baby girl.
O, ‘di kaya naman ay The Homans na name ng kanilang YouTube Channel.





Comments