Kahit Megastar, pinatay… SHARON, SAPAW KAY OSANG SA SERYE NI COCO
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 15, 2022

Nag-react ang mga Sharonians sa pagpatay sa character ni Sharon Cuneta bilang si Aurora sa FPJ's Ang Probinsyano.
Mas pinahalagahan pa raw na buhayin ang character ni Rosanna Roces bilang si Lolita, eh, di hamak na mas malaking artista raw ang kanilang idolo kesa kay Osang.
Sana raw ay binigyan pa muna ng moment na nagkita ang mag-inang Aurora at Mara (Sharon at Julia Montes). Hindi pa naman daw kasi tuwirang ipinakitang pinatay na ang character ni Julia.
Anyway, ilang artista na rin sa AP ang pinatay ang character tulad nina Joseph Marco bilang si Lucas at Jaime Fabregas bilang si General Delfin Borja na mula sa umpisa ay kasama na ni Ador at ni Cardo Dalisay (Coco Martin).
Hindi lang pabor ang mga netizens sa ginawang pagpatay kay Jaime. Masyado raw brutal ang pambubugbog ni John Estrada sa matanda na pagkatapos pagsasaksakin ay saka binaril.
Gayun din daw ang ginawa ng aktor kay Tommy Abuel na binugbog din at saka niya sinunog nang buhay.
Sa ginawang 'yun ni John sa dalawang mahusay na aktor, hindi raw kaya ma-typecast si John sa mga mala-demonyong role?
First time raw kasi nilang napanood sa ganu'ng character ang aktor.
Sey nga ng isang netizen, "Bagay pala kay John ang bait-baitang role, sa huli ay mala-demonyo kapag nagalit."





Comments