Kahit maysakit si girl… ROBI AT MAIQUI, TULOY ANG KASAL
- BULGAR
- Sep 19, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | September 19, 2023

Um-attend na ng Pre-Cana seminar ang engaged couple na sina Robi Domingo at Maiqui Pineda, patunay na tuloy ang wedding ng dalawa.
Sabi sa Google, ang Pre-Cana seminar ay, “A marriage preparation, courses, class or consultation for couples who will be married in a Catholic church.”
Ipinost ni Robi sa IG Story ang photo nila ni Maiqui at ang nag-conduct ng seminar at nagpasalamat dito.
“Thank you to RMT-CEFAM and Ms. Lory for reminding us how marriage should be. Pre-Cana,” at sa tabi nito ang check sign.
Marami ang natuwa na itutuloy nina Robi at Maiqui ang kanilang kasal. Ipinakita raw ng dalawa kung gaano nila kamahal ang isa’t isa at pinatunayan ni Robi na mahal niya ang fiancée. Sa puntong ito, masasabi nilang “Love wins!”
Samantala, positive ang feedback ng mga netizens sa Instagram post ni Maiqui kung paano niya in-organize ang lalagyan niya ng mga medicines.
“Since I’m taking a lot of medicines now, I organize my medicines for the week every Sunday to make sure I don’t miss out on any. This is me trying to have some fun with it. I hope I did it right.”
Marami ngang tine-take na medicines si Maiqui, pero maganda ang comment ng isang netizen na may sakit din na kagaya niya at ang sabi, malalagpasan din niya ang sakit na dermatomyositis.





Comments