Kahit may pamilya na sa Siargao… ANDI, UMAMING ‘DI 100% ANG SAYA
- BULGAR

- 10 hours ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | July 21, 2026

Photo: IG _andieeigengirl
Naging emosyonal si Andi Eigenmann sa panayam ni Karen Davila sa kanya kamakailan.
Naiyak siya nang mapag-usapan ang kanyang mga yumaong magulang na sina Mark Gil at Jaclyn Jose.
Bagama’t nakabuo siya ng masaya at kuntentong buhay sa Siargao, ibinunyag ng aktres na palaging may malaking puwang sa kanyang puso dahil sa kalungkutan.
Bukod dito, bilang anak ng mga sikat na artista sa showbiz, inamin ni Andi na palagi niyang kinukuwestiyon ang sarili kung paano niya mabibigyan ng hustisya ang pangalan ng kanyang mga magulang.
Sa pagninilay-nilay sa kanyang sitwasyon, inalala ni Karen na parehong pumanaw ang kanyang mga magulang sa medyo murang edad, si Mark sa edad na 50 at si Jaclyn sa edad na 60 na nag-iwan kay Andi na isang ulila sa edad na 30.
Nang tanungin kung ano ang pakiramdam sa maagang pagkawala ng dalawa niyang minamahal, hindi napigilan ni Andi ang kanyang emosyon.
“S’yempre, mahirap talaga,” sabi niya habang umiiyak.
“Lagi kong ikinukuwento ang buhay ko rito, ang buhay ko sa isla, na para bang perpekto o masayang buhay ‘to. Masaya ako, kuntento ako. Pero ngayon, may malaking butas na ‘di na kailanman maaayos,” pag-amin niya.
Kahit na iniwan na niya ang showbiz upang mag-focus sa kanyang pamilya, ramdam pa rin niya ang patuloy na responsibilidad na pasanin ang mabigat na pamana ng kanyang mga magulang, lalo na’t pareho silang mga alamat ng industriya.
“Ako dapat ang kanilang pamana, at kung minsan, tinatanong ko ang aking sarili: Dapat ba akong magpatuloy upang mapangalagaan ko ang pangalan nila? Na bigyan ‘to ng buhay kahit matagal na silang wala?” pag-amin pa niya.
Sa huli, napagtanto niya na ang pagbibigay-pugay sa kanila ay hindi nangangahulugang pagbabalik sa kinang at kagandahan ng showbiz.
Sey ni Andi, “My mindset is just that I hope that they can see me flourishing in this life, and that it’s who they are—as authentic and strong people that inspired me to be the same. And somehow, it gets easier... but I miss them.
“I can’t help but imagine him coming here, wanting to go fishing with my husband and trying out surfing, and my mom as well, you know, staying here in Maison Bukana (private villa).”
Natatawa pa niyang sabi habang medyo naiiyak, “I am sad that they never got to this point... or see this life that I’ve built for myself. But I sure hope they’re proud.”
ITINANGGI ni Maja Salvador na may ‘sapawan’ sa set ng bagong ABS-CBN drama na Someone, Someday (SS) at iginiit na collaborative at teamwork ang umiiral sa kanilang grupo kahit may mga intense na eksena kasama si Kathryn Bernardo at iba pang cast members.
Sa kanyang panayam, sinabi ng aktres na, “‘Di pinapaandar kunwari ‘yung ego, o mas sikat ako, o mas (magaling), ganyan.”
Pinuri pa niya si Kath bilang ‘captain ng show’ na mahusay mag-lead at nagtataguyod ng maayos na atmosphere sa set.
Ang serye ay pagbabalik ni Maja sa primetime television matapos ang kanyang huling teleserye noong 2022, kung saan inamin niyang may adjustment sa pagbabalik sa trabaho bilang ina, ngunit nagbigay ito sa kanya ng mas malalim na perspective bilang artista.
Dagdag pa ni Maja, “Kaya, walang sapawan. May kani-kanya kaming mga eksena. May kani-kanya kaming mga moments. At ‘pag ibibigay naman ‘yun sa ‘yo, i-grab mo talaga ‘yung opportunity na ‘yun.”
‘Yun naman pala!





Comments