top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahit may mga shows sa ‘Pinas… BILLY, GUSTONG BUMALIK BILANG RAPPER-DANCER SA FRANCE

BULGAR
Mar 21, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | March 21, 2022




Bising-busy ngayon si Billy Crawford sa kanyang career bilang host. Bukod kasi sa Lunch Out Loud na napapanood araw-araw ay nagsimula na rin ang The Masked Singer Season 2 na napapanood din sa TV5. Kaya naman, okupado ang schedule ni Billy araw-araw at Linggo na lang ang time niya sa kanyang pamilya.


Naging bentahe para kay Billy Crawford nang luminya siya sa hosting job. Dito siya naging bihasa lalo nang makasama niyang mag-host noon ang ilang stars na sina Luis Manzano, Vhong Navarro atbp..


Bukod sa kanyang hosting skills, isa ring rapper/dancer si Billy Crawford at ito ang lamang niya kay Luis Manzano.


Bagama't okay na sa kanya ang maging TV host, hindi pa rin naaalis sa pangarap ni Billy na muling balikan ang kanyang pagiging rapper/dancer na nagawa niya noon sa France para sa isang concert. At ikinatutuwa niyang meron pa ring nakakaalala at nakakakilala sa kanya.


Samantala, may bagong segment nga ang LOL, ang Maritest na si Billy ang magho-host. Mga latest tsismis sa showbiz ang huhulaan ng mga contestants at puwedeng manalo mula P10 K, P20 K, P30 K up to P50 K.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page