top of page
Search
  • BULGAR

Kahit may mga manliligaw naman… SANYA, UMAMIN KUNG BAKIT 'DI NAGBO-BOYFRIEND

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 26, 2022




Akmang-akma kay Sanya Lopez ang title ng debut single niyang Hot Maria Clara dahil para siya talagang modern Maria Clara in real life na at her age ay never pang nagkakaroon ng boyfriend or NBSB (no boyfriend since birth).


Ayon kay Sanya sa ginanap na digital mediacon para sa nasabing single, hindi pa raw niya talaga masabi kung kailan ba siya magiging ready na pumasok sa isang relasyon.


“Pero sabi ko kasi, ang relasyon, hindi naman pinipilit ‘yan, eh. Kung dumating siya, eh, di dumating siya. Pero kung hindi, di hayaan mo lang, mag-enjoy ka muna sa life mo bilang single.


Kasi, once na dumating na talaga ‘yan, baka hindi mo na ma-enjoy ang pagiging single,” sey ni Sanya.


Kaya nga raw sa ngayon ay talagang sa sarili niya at sa kanyang career muna siya nagpo-focus.


“Sa ngayon, busy muna ako sa sarili ko, busy muna akong mahalin ang sarili ko,” aniya.


Pero by choice na rin daw siguro kung bakit wala pa siyang boyfriend dahil na rin sa sunud-sunod ang kanyang trabaho.


May mga nanliligaw naman daw, pero hindi niya talaga mabigyan ng oras ang mga ito.


“Unfair din naman for sure sa kanila ‘yun. Sabi ko kasi, ‘pag once na nagka-boyfriend ako, feeling ko sana, may time ako sa kanya. Kaya siguro, sabi ni Lord, ‘Gusto mo pala ng time para sa kanya, ‘wag muna,’” natatawang sabi ni Sanya.


Samantala, released na ang Hot Maria Clara na kaagad na pumangatlo sa iTunes Philippines chart at napasama sa listahan ng Fresh Finds Philippines playlist ng Spotify.


Ang nasabing awitin ay tungkol sa isang makabagong Filipina.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page