Kahit may kontrata sa Sparkle… ALDEN, ATRAS MAGING KAPALIT NG TVJ
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | June 3, 2023

Itinanggi ni dating Senator Tito Sotto na sa TV5 na sila lilipat at ang APT Entertainment ang magpo-produce ng bago nilang show na pagmamay-ari ni Mr. Antonio P. Tuviera at ng Cignal.
Maraming programa ang APT Entertainment na napapanood sa TV5, kaya ito rin ang naisip ng lahat na posibleng lilipatan ng mga Dabarkads.
Nabanggit pa ni Tito Sen na maraming networks ang nag-aalok sa kanila at lahat ito ay inaaral pa nilang tatlo nina Vic Sotto at Joey de Leon.
Samantala, speaking of Eat… Bulaga! na wala nang natirang mga hosts dahil lahat ay nag-resign at sumama kina Tito, Vic at Joey, balita ring ang ilang Sparkle artists daw ang ilalagay sa nasabing programa kapag umere na ito nang live.

Isa ito sa mga pinag-usapan nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa kanilang radio program na Cristy Ferminute sa 92.3 Radyo 5 TRUE FM nitong Biyernes nang tanghali na puro GMA artists nga raw ang ilalagay as hosts.
Maraming feedback ang mga listeners ng CFM na sana ay maglagay ng name tag ang mga ilalagay na Sparkle artists dahil hindi naman sila kilala ng lahat.
May punto rin naman, pero for sure, ang ilalagay diyan as hosts ay ‘yung may mga experience na sa hosting tulad nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose na regular na napapanood sa All-Out Sundays at sa katatapos lang na singing competition na The Clash.
Isama na nila si Jason Gainza na nahasa na rin dahil sa naging mga shows nito sa ABS-CBN.
Nandiyan din si Mamang Pokwang, at si Jon Lucas na galing ng It’s Showtime na kahit paano ay nabibigyan ng chance na mag-host, maging sina Joyce Ching, Khalil Ramos, Kokoy de Santos, Mikael Daez, Paolo Contis at iba pa.
Sabi ni Alden Richards ay hindi niya tatanggapin kung alukin man siya ng TAPE, pero sabi nga ni ‘Nay Cristy ay contract star siya ng Sparkle. So, wala itong magagawa kapag sinabihan siya.
Kaya, abangan na lang kung sinu-sino ang mga ipapalit kina Tito, Vic at Joey sa bagong show ng TAPE, Inc..





Comments