Kahit may kinahaharap na kaso… Joel Apolinario, nagpasa ng COC sa pagka-senador

ni Jeff Tumbado | October 2, 2021

Nagsumite ng kanyang certificate of candidacy sa pagka-senador si Joel Apolinario.
Si Apolinario ay nakilala sa pamumuno ng Kapa Community Ministry International na nahaharap sa kasong may kinalaman sa investment scam.
Isinumite sa Comelec ng nagpakilalang kinatawan niya na si Bishop Danilo Brioso ang kopya ng COC na nilagdaan ni Apolinario.
Hindi naman na sumagot sa mga tanong ang grupo ni Apolinario matapos maglatag ng plataporma.
Nauna nang naaresto si Apolinario noong Hulyo ng nakalipas na taon matapos na mauwi sa engkuwentro ang tangka ng mga otoridad na arestuhin siya kung saan dalawa sa mga tagasuporta niya ang nasawi.




Comments