Kahit may ‘K’... MAJA, ‘DI FEEL MAG-JOIN SA MISS U-PHILS.
- BULGAR
- 1 hour ago
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 25, 20255
Photo: via Bulgar / Maja - IG
Mas payat na ngayon si Maja Salvador kumpara nu'ng huling presscon ng Beautederm last month kung saan nag-renew siya ng kontrata sa kumpanya ni Ms. Rhea Anicoche-Tan bilang ambassador ng Blanc set na skincare brand ng aktres.
Sa ginanap na media launch ng Majeskin na bagong negosyo nina Maja at asawang si Rambo Nuñez kung saan ka-partner din nila si Ma'm Rhea, ang Beautederm CEO, maraming napa-”wow!” nang mala-beauty queen na Maja ang bumulaga sa press kung saan “confidently BEAUTEFUL” siya sa suot na white long dress na kita ang kanyang tiyan at halos dibdib lang ang natakpan sa upper part.
Bagsak din ang long straight hair ni Maja kaya para talaga siyang kalahok sa beauty pageant sa launching ng Majeskin.
Kaya naman tinanong namin siya kung na-consider ba niyang sumali sa Miss U-Phils. lalo't puwede na sa pageant ang mga momshies na tulad niya.
Napangiti lang ang aktres sabay sabing ipinauubaya na niya sa iba ang mundong ito dahil hindi talaga ito para sa kanya, though bilib siya sa dedikasyon at passion ng mga sumasali rito.
Ang mahalaga kasi ngayon kay Maja bukod sa bagong negosyong binuksan nila ni
Rambo with their ninang sa kasal na si Ms. Rei ay ang matutukan ang paglaki ni Maria na panganay nila ni Rambo.
Gustong masiguro ni Maja na most of the time ay nasa tabi siya ni Maria, kaya nga kahit sa workplace niya ay kasa-kasama pa rin niya ito.
Hindi pa lang maipakita ni Maja sa publiko ang anak dahil ayaw niyang mawala ang privacy ng bata na hindi naman daw public personality.
Paglaki raw ni Maria, siya ang dapat magdesisyon kung gusto ba niyang ma-expose sa public tulad ng kanyang celebrity parents.
Anyway, proud si Maja sa mga products nila sa Majeskin na body lotion, body wash and body scrub na talagang personal din nilang tinutukan ang formulation para masigurong maganda ang quality at papasa sa mga consumers.
Bilib sa Superstar na maraming fans pero…
“HINDI AKO FAN NI NORA” — DIREK GINA
“HINDI ako fan ni Nora Aunor,” ang diretsahang pahayag ni Direk Gina Alajar sa mediacon after ng special screening ng Faney, a tribute movie para sa kaarawan ni Ate Guy last May 21.
Pero kahit hindi raw siya fan ng Superstar, bilib siya sa body of work nito at naniniwala siyang mabuting tao si Nora kaya mula noon hanggang ngayon ay never itong iniwan ng mga diehard Noranians.
Gulat na gulat nga si Direk Gina na tulad ng kuwento ng lolang fan ni Nora sa Faney na ginampanan ni Ms. Laurice Guillen, may mga Noranians na kesehodang iwan ang kani-kanilang pamilya makita lang si Ate Guy.
At bilang tribute kay Nora, may ginawang tula si Direk Gina na binasa nito bago nagsimula ang screening ng Faney na siyempre pa, tungkol sa naging buhay at mga nagawang pelikula ng Superstar.
Nalulungkot man sa magkasunod na pagkawala ni Nora at ng isa pang kaibigang si Ricky Davao, life goes on para kay Direk Gina Alajar na ang wish ay magkaroon din daw sana siya ng mga loyal fans tulad ng kay Superstar na very rare raw sa showbiz.
PANSAMANTALANG nagpahinga sa social media si Star for All Seasons and now ay balik-Batangas Gov. Vilma Santos-Recto matapos nga ang nakakapagod na kampanya para sa nakaraang eleksiyon.
Nagre-recharge lang daw si Ate Vi bago muling sumabak sa kanyang trabaho bilang governor ng Batangas nang sa gayon ay mas marami siyang mai-offer sa kanyang muling pagharap sa kanyang mga kababayang Batangueño.
Okay na okay naman daw siya emotionally kahit pa masakit siyempre na hindi pinalad ang kanyang panganay na si Luis Manzano sa pagka-vice-governor.
Promise ni Ate Vi, she'll be back soon at excited na siya para sa book launching na ginawa ng ilang grupo ng Vilmanians para sa kanya.
Indeed, abangan natin ang mas malakas, mas energized at mas bonggang-bonggang Gov. Vilma Santos-Recto sa kanyang pagbabalik sa public service sa mga susunod na linggo.
TISOY NA KONTRABIDANG AKTOR, ASTIG SA MOVIE, SUKI SA GAY BAR
BLIND ITEM:
NAGULAT kami sa chika ng aming reliable source na nagtrabahong bodyguard ng isang manager sa gay bar noon tungkol sa tisoy na kontrabidang aktor na sikat na sikat nu'ng ‘80s to ‘90s.
Kilalang magaling na kontrabida ang tisoy na aktor at madalas siyang kasama sa mga pelikula ng sikat na action star.
Bigotilyo at brusko rin ang kontrabidang aktor, pero sa gabi pala, suki ito sa gay bar at laging ang hanap ay kung may bagong saltang macho dancer.
In fairness, wais siya dahil ‘di siya bumababa ng kotse at pini-pickup lang sa gay bar ang matipuhang lalaki.
Mahirap na nga naman, baka mawalan siya ng trabaho kapag nabuking na papa pala ang type niyang dyugdyugin at hindi dyombagin sa pelikula. Hahaha!!!
Comments