Kahit may ipon naman daw… JONA, UMAMING NA-DEPRESSED DAHIL SA PANDEMIC
ni Julie Bonifacio - @Winner | July 18, 2022

Kahit ang kontesera at biriterang si Jona ay nakakaramdam din ng takot at kaba kapag sumasali sa mga singing competition.
“Kapag medyo maraming beses ka na pong napapasali, medyo nababawasan na po siyempre ‘yung kaba at takot. ‘Yung experience ko po kasi sa first na pagsali ko sa pag-interpret ng song, sobrang kabado po ako. As if lumalaban ako sa singing contest, parang baguhan ako. Pero siyempre, ipinaparamdam naman po ng mga kasamahan na okey lang ‘yan. Huwag kang masyadong kabahan. Taga-interpret, not “lang,” pero ang bigat kasi mas ‘yung ikaw ang sumulat nu’ng kanta,” pahayag ni Jona.
Although, may pressure pa rin daw sa interpreter ng song na kailangang pagandahin ‘yung performance ng singer.
“Para ma-deliver ‘yung gustong sabihin ng composer. Pero ano naman po, parang patagal nang patagal, medyo nawawala na rin naman po ‘yung kaba.”
Napagkuwentuhan namin ni Jona ang tungkol d’yan dahil nalalapit na naman ang season ng songwriting competitions sa bansa since almost back to normal, or should we say, new normal na.
For three consecutive years, naging interpreter si Jona sa multimedia and music video competition sa bansa, ang Himig Handog.
Tinanong namin si Jona kung may narinig ba siyang comment sa mga kalaban niya sa Himig Handog na kinabahan sa kanya.
“Hindi ko po alam,” sabay tawa ni Jona. “Siguro more on ano, nagkakantiyawan lang kaming lahat na interpreter and songwriters. But again, this is not just about singing kundi ang main na tinitingnan dito is ‘yung isinulat na kanta."
Sa mga susunod na Himig Handog, malamang ay may kumuha ulit kay Jona as interpreter. Mukhang very competitive naman kasi siya, although aniya, mas gusto niyang mag-enjoy lang kesa isiping nakikipag-compete siya.
"At saka ang aim mo lang is to give life to the song. Hindi na po talaga ‘yung bardagulan, kabugan. This is just a friendly competition among the contestants.”
May singer ba na kapag sumasali siya sa competition, naiisip niya na ito 'yung mahigpit niyang kalaban at sino?
“Ang dami po kasing mga kanta noon, eh. For example, ka-batch po nu’n ‘yung Titibo-tibo ni Moira (dela Torre). Sabi naming lahat, ‘Uy, ang ganda ng song na ‘to. Parang ang galing ng pagkakagawa.' So, ‘yun, one example at nanalo siya.”
Speaking of Moira, uso ang genre ng music nito ngayon. Sa tingin ni Jona, ano ang laban ng mga gaya niya na mga bumibirit na singers?
“Uhm, personally, ang tingin ko, nag-e-evolve o kaya umiikot lang po talaga ‘yung mga genre na nagugustuhan na ng mga tao.
“For example, nu’ng around '80s and '90s or even 2000s, mahilig po ang mga tao sa mga ballad and I think ngayon po, may heart pa rin po ang mga tao sa mga ballad especially kapag love song po talaga ang topic.
“So, I guess, it’s not more on the genre ng kanta but more on kung ano ‘yung message ng kanta. Kasi kahit acoustic pa ‘yan, kung natamaan ka ng message ng kanta, magugustuhan mo.
“So there was a time rin po nu’ng around 2005, nauso ‘yung mga banda. And ngayon, parang unti-unti rin pong bumabalik ‘yung genre with Ben & Ben or December Avenue at iba pa po, at The Juans.
“So, I think po, nag-e-evolve lang po talaga ‘yung nagiging in sa kung ano lang po ang ma-type-an ng mga tao.”
Feeling naman ni Jona, “in” pa rin ang mga biriterang gaya niya.
“Parang ano po, nand'yan lang siya. Hindi sila nawawala, nandiyan lang sila. And then, parang one day, mag-e-emerge ulit ‘yung ganyang klase ng type of song. Basta ang naiisip ko ngayon, whatever genre it is, mapa-birit, ballad or rock, band, acoustic or R&B, ang pinakaimportante po talaga ru'n, ‘yung message ng kanta na tumutusok sa feelings ng nakikinig.
“At siguro po, may mga tao rin ngayon na mas gustong makinig sa mga inspirational or positive songs dahil sa pinagdaanan natin sa pandemic. Everyone wants to listen na kung ano ‘yung positive message nu’ng kanta, mga uplifting songs."
Inamin ni Jona na isa rin siya sa mga celebrities na na-depress during pandemic.
“Kasi siyempre po, nasanay po tayo sa ganitong line of work po natin na mostly outdoors and you deal with sa maraming tao, ‘di po ba?
“Tapos biglang naka-confine po tayo sa kani-kanila nating bahay. Pero hindi ko po matatawag kung depressed stage po ba siya. Kasi, ang daming naka-experience nu’ng ganu'ng klaseng loneliness.”
May nangyari ba sa kanya during pandemic?
“Ang dami po, eh. Sobrang limited ‘yung pinupuntahan namin.
“Kinapos sa budget? Sa totoo lang po, kasi ‘yung tinrabaho ko for the past 15 years, hindi naman din po ako naging ano sa pera, ‘yung gastos dito, gastos d'yan.
“So, kahit paano, nakapag-save rin naman po ako and thankfully, nu’ng dumaan ang pandemic, naka-survive naman po ako."
Tanggap na rin niya ang new normal setup at nakapag-adjust na raw.
Paano siya naka-survive during pandemic nang walang love life?
“Kasi ang pinagtuunan ko po talaga, ‘yung mga rescues po namin, mga pet rescues po.
So, 'andu'n ‘yung attention ko, love and focus po.
“Bilang silang lahat ay nasaloob ng house ko, kapag may nagkakasakit na animals, nandoon ka talaga to care for them, dalhin sila sa vets, sa ospital. And feeling ko nga po, naging nurse rin ako nu’ng mga panahon na ‘yun, eh. Even sa madaling-araw, kailangang bigyan namin ng attention.”
Nakausap namin si Jona sa CaSoBe (Calatagan South Beach) last Friday. Ang CaSoBe pala ang bagong dinarayong beach resort sa Batangas.
Nagkaroon kami ng chance na mabisita ang napakalawak na beach resort na 15-hectares ang laki.
Ang CaSoBe ang next tourism hotspot sa Calatagan na may Aquaria Waterpark, Crusoe Cabins, and the brand new Cocoons na pag-aari and managed by Millennial Resorts Corporation ng businessman na si Manny Pangilinan.





Comments