Kahit may ibang direk… COCO, PINAANDAR PA RIN ANG PAGIGING DIREKTOR SA MOVIE
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 30, 2023

Walang problema kay Coco Martin na hindi siya ang first choice para maging lead actor sa pelikulang Apag, isa sa mga official entries sa First Summer Metro Manila Film Festival, na ang director ay ang award-winning na si Brillante Mendoza.
Sa isang panayam recently, ini-reveal ni Direk Brillante na si Aljur Abrenica dapat ang bida sa Apag, pero last minute ay nag-back-out daw ito.
Kaya nabanggit daw niya kay Coco ang problema at agad namang nagsabi ang aktor na hindi na raw siya busy sa taping kaya puwede nang gumawa ng pelikula.
Of course, welcome na welcome kay direk ang sinabi ni Coco, kaya inayos niya agad ang schedule ng shooting para hindi matamaan ang taping days ng aktor kung sakali.
Kasagsagan pa 'yun ng pandemic at hindi pa tapos that time ang FPJ’s Ang Probinsyano.
Ngayon nga ay tapos na ang movie at isa ito sa mga mapalad na napasama sa First Summer Metro Manila Film Festival.
Nagkaroon na ng mediacon and celebrity screening ang movie last Tuesday sa SM North, The Block. Dito ay natanong ang aktor kung ano ang pakiramdam na hindi siya ang first choice ni Direk Brillante, pero sa kanya pa rin napunta ang lead role.
"Sobrang saya talaga, and sobrang proud sa feeling," sey ni Coco.
"Kasi sabi ko nga, ako, kung pupuwede lang akong magprisinta 'pag may mga pelikula si Direk Dante (Brillante), talagang naiinggit ako.
"Every time na may ginagawa siyang pelikula na hindi ako part, naiinggit ako. Kasi alam ko na kung ano ‘yung hirap, ‘yung talento na ibinubuhos du’n sa pelikulang ‘yun kapag ginagawa nila ‘yun, tapos ‘yung proseso, ‘yung saya ng company habang ginagawa ‘yun, alam na alam ko ‘yun, eh."
Dagdag pa niya, "Hindi ako nahihiya kung hindi man ako ang naisip ni Direk Dante para rito sa project na 'to. And then, nu'ng sinabi niya na kung gusto ko, kung okay sa ‘kin, talagang kahit na ‘yung time na ‘yun na, ‘di ba, kita n’yo naman, putok na putok ako ru’n, ang taba-taba ko (sabay-tawa). Pero sabi ko nga, kahit sa kalagitnaan talaga nu'ng trabaho namin sa Probinsyano sa Ilocos, from Ilocos, umuuwi ako, diretso kami ng shooting.
"Kasi, sabi ko nga, ganu'n ko bina-value si Direk Dante at 'yung proyekto na ginagawa niya every time na may project siya. Kaya sobrang grateful ako na natuloy ako rito sa project na 'to at nandito kami ngayon sa harapan n’yo."
Samantala, sa totoo lang, nakakagutom ang pelikulang Apag dahil sa mga masasarap na pagkaing makikita n’yo sa pelikula.
Kaya be sure na busog kayo kapag pinanood n’yo ang movie kung ayaw n’yong mag-crave.
Sa kabuuan, ang Apag ay isang simpleng family drama, pero abangan ang shock factor sa ending na ayon kay Direk Brillante ay si Coco ang nag-suggest.
So, lumabas pa rin dito ang pagka-direktor ng aktor.
Produced by Centerstage Productions and Hong Kong International Film Festival Society, showing na ang Apag sa mga sinehan nationwide on April 8, 2023.
The special screening is sponsored by SM Cinemas, with SM North EDSA as the event partner and the production wishes to thank Ms. Millie Dizon.
Kasama rin sa pelikula sina Lito Lapid, Gladys Reyes, Mercedes Cabral, Julio Diaz, Ronwaldo Martin and Jaclyn Jose with the special participation of Shaina Magdayao, Joseph Marco, Mark Lapid, Vince Rillon and Ms. Gina Pareño.





Comments