top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahit may BF na, super-kilig sa aktor… ZEINAB, GUSTONG 'MATALI' KAY PIOLO

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 10, 2022
3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 10, 2022


Samantala, after Beauty Gonzalez, kasunod namang nagkaroon ng formal launching as Beautederm's newest ambassador din for their oral care essentials na Koreisu Family Toothpaste, Koreisu Whitening Toothpaste, Etré Clair Refreshing Mouthwash, at Etré Clair Mouth Spray ang sikat na sikat na vlogger na si Zeinab Harake na may 50 million total subscribers and followers lang naman sa kanyang social media accounts.


Single mom na ngayon si Zeinab pero in fairness sa kanya, mukhang naka-move on na sa hiwalayan nila ng singer-rapper na dating member ng Ex-Battalion na si Skusta Clee.


All-smiles na kasi ito nang humarap sa press na hindi naman siguro ipinakikita lang ang kanyang super white teeth, 'no?! Bungisngis lang siguro talaga siya at sabi nga niya, happy person siya.



Hindi lang tinukoy ni Zeinab kung sino pero inamin naman niyang may bago nang nagpapasaya sa kanyang puso ngayon. Abangan na lang daw natin sa mga susunod niyang YouTube vlogs kung sino ang 'mas guwapong' guy na ipinalit niya kay Skusta Clee na mukhang dedmabels na sa kanilang anak dahil hindi rin daw nagbibigay ng sustento.


Awww!


Pero kahit may bago nang BF si Zeinab, kilig to the bones pa rin ito sa pagkukuwento na kung may gusto siyang maka-collab sa mga Beautederm ambassadors, 'yun ay si Papa P a.k.a. Piolo Pascual.


At kung gagawa sila ng challenge, "handcuff challenge" ang gusto niya kahit 24 hours lang daw para 'nakatali' nga naman sa kanya si Papa P.


Pero kung sakali raw na may movie offer sa kanila ni Papa P., depende pa rin daw sa story, ha, dahil ayaw namang mag-feeling trying hard ni Zeinab lalo't 'di niya forte ang acting kundi vlogging.


Taray ni Zeinab, ha? O, sige kung ayaw niya, kami na lang ang magli-leading lady kay Papa P!


Huwow, ha?! Lakas-tama lang kesehodang maging ilusyunada. Charot!




Kahit momshie na, napakaalaga pa rin sa kanyang body figure at skin ng byuting Kapuso actress na si Beauty Gonzalez.


Kung ang ibang celebrities natin ay nahihiyang aminin na nagpa-botox na sila para maitago ang kanilang mga wrinkles at fine lines sa mukha, nakakatuwa si Beauty na napakatotoo sa pag-aming isa sa paborito niyang treatment sa Beaute Haus ng Beautederm ang BeautéTox, injection procedure para mabawasan ang kanyang wrinkles habang nagkakaedad.


Pero minimal lang naman daw at hindi todo-todo para natural lang ang dating at hindi 'yung tipong mag-iiba na ang hitsura niya at hindi na makikilala.


At kapag nakita naman niyang may konti siyang fats o bilbil dahil napalakas siyang kumain ng rice, mag-a-undergo na siya sa Exislim na pang-skin tightening at M-Shape non-invasive procedure para pumayat, lalo na't hate na hate raw niya 'yung "Jollibee legs" niya kung saan may mga sumusungaw na cellulites kung minsan.


Pagdating sa pagpapaganda, ayaw tipirin ni Beauty ang sarili dahil gusto raw niya na kahit nagkakaedad na, byuti pa rin, lalo't nakaka-pressure nga naman 'yun sa name niya, devah?


Kaya naman ang kanyang unica hija, proud na proud daw sa kanya bilang mommy at nakakatawang kuwento ni Beauty sa press launch niya kahapon as the newest ambassadress ng Beaute Haus ng Beautederm, tinawag pa ng anak niya ang lahat ng kasambahay ng kapitbahay nila para lang ipakilala siyang nanay nito.


Napa-"Haaaaah?" lang kami nang sabihin ni Beauty na gusto pa niyang mas pumayat at habulin ang waistline ng CEO ng Beautederm na si Ma'm Rei Anicoche-Tan na sa edad na 41 ay 18 inches na lang yata ang bewang.


Naku, Beauty, ha? Hiyang-hiya na kami sa kaseksihan mo, parang magkakaroon na kami ng mental health problem sa kaiisip kung paano papayat. Chos!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page