top of page
WINNER - ALEX, INILANTAD NA ANG PAGBUBUNTIS-IG _cathygonzaga.jpg

Kahit may anak na… RYZA, BAHAY MUNA, AYAW PANG MAGPAKASAL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 12, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 12, 2023




In a relationship at may isang anak na si Ryza Cenon pero hindi pa raw siya handang magpakasal sa nobyong si Miguel Antonio Cruz.


Hindi ito ang priority niya ngayon kundi ang matapos ang ipinatatayo niyang bahay upang makalipat na sila.


Ayon kay Ryza, hindi naman niya kailangang madaliin ang pagpapakasal. Dapat ay siguradung-sigurado na sa feelings upang hindi pagsisihan ang pag-aasawa.


Ayaw ni Ryza na matulad sa ilang showbiz couple na nagpakasal, tapos ay naghiwalay din makaraan lang ang ilang taon. Gagastos na sa kasal, gagastos pa sa pagpapa-annul.


Dumanas din ng postpartum depression si Ryza Cenon matapos niyang manganak.


Sobra siyang insecure at ramdam niya ay wala na siyang career. Kung anu-anong negative thoughts na ang naisip niya.


Mabuti na lang at to the rescue sa kanya ang Viva Entertainment at binigyan siya ng project na pagkakaabalahan. Ngayon ay kasama si Ryza Cenon sa cast ng komedi-seryeng Kurdapya na pinagbibidahan ni Yassi Pressman at mula sa direksiyon ni Easy Ferrer.


Kasama rin dito sina Marco Gumabao at Nikko Trinidad. Gagampanan ni Ryza ang role bilang stepmom ni Yassie. May pagkakontrabida na naman ang character ni Ryza sa Kurdapya.


Pero, wish ni Ryza ay 'wag naman siyang ma-typecast na kontrabida. Ayaw niyang magalit na naman sa kanya ang mga viewers tulad ng naranasan niya sa seryeng Ika-6 na Utos ng GMA Network!


Gusto niyang mabigyan ng chance na makaganap ng ibang role at hindi 'yung mataray at bad girl. Comedy naman ang Kurdapya kaya hindi siya gaanong mataray.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page