top of page
Pokwang.jpg

Kahit may anak na… JANELLA, 'DI PA RIN PAKAKASALAN NI MARKUS

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 9, 2021
1 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | January 9, 2021




Matapos ilabas at ilantad nina Janella Salvador at Markus Paterson sa kanilang vlog sa YouTube ang pagkakaroon nila ng anak na pinangalanan nilang Jude, ang kasunod na tanong ngayon ng lahat ay kailan naman magaganap ang kasalan?


Sa pinakahuling panayam kay Janella ng ABS-CBN News, ayon sa aktres ay wala pa sa mga plano nila ngayon ni Markus ang magpakasal dahil lang may Baby Jude na sila.


“Wala pa, hindi pa kami nagmamadali about that. For now, ‘yung focus namin is to raise Jude muna," ayon kay Janella.


“Markus has been really, really helpful as a father and as a partner. Emotionally, he was there to support me when I would have meltdowns. It’s really not easy.


“He would be my arms and legs, lalo na during my last few stages of pregnancy. Hindi ako makatayo, hirap na hirap na ako maglakad. Wala siyang reklamo. He would do everything for me. I couldn’t ask for more,” kuwento pa ni Janella kung paano naging supportive si Markus sa kanyang pagbubuntis at hindi siya iniwan habang siya ay nahihirapan.


Sa ngayon, maraming kaibigan sa showbiz ang nag-aabang na sa pagbabalik-'Pinas nina Janella at Markus kasama ang kanilang baby boy na si Jude para makita ang napaka-cute nilang little bundle of joy.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page