top of page

Kahit may 3 egg cells nang nakuha sa mister… LIZA, WA’ TIME MAGBUNTIS SA BABY NILA NI ICE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 16, 2025



Photo: Ice Seguerra - IG


Mariing itinanggi ni Ice Seguerra ang tsikang nagdadalantao siya.

Sa kanyang Facebook (FB) account ay ipinost ng singer ang screenshot ng isang post sa social media na nagsasaad ng “Aiza Seguerra is pregnant!”


Makikita nga rin sa post ang sonogram ng baby na diumano ay nasa sinapupunan ni Ice.

Sa caption ay ipinagsigawan ng mister ni Liza Diño na hindi siya pregnant.


“HINDI PO AKO BUNTIS!!! Bilbil lang po ito,” aniya at nilagyan ng hashtag na #FakeNewsAlert.


Well, noon pa ay vocal naman ang mag-asawang Ice and Liza na gusto nilang magkaroon ng sariling anak via IVF (in vitro fertilization). In fact, in 2019 ay sumailalim na ang singer sa egg retrieval process.


Ang plano nila ay si Liza ang magiging surrogate mother at kay Ice naman manggagaling ang eggs. Ipinost din ni Liza ang egg retrieval process na isinagawa sa kanyang mister noon.


“Ice, still groggy from the anesthesia after the egg retrieval process, finally opens his eyes and the first thing he says is ‘I’m hungry!’ Yup, he’s awake na nga! Successful procedure! Thank you, Lord. They were able to harvest three good eggs from Ice,” caption ni Liza.


Sa isang interview noon ay inamin din ni Ice na nakahanap na sila ng sperm donor.

Pero na-delay nang na-delay ang kanilang plano na magka-baby dahil naging busy naman si Liza sa kanyang pamumuno sa Film Development Council of the Philippines (FDCP).


Sa ngayon ay wala pang bagong update na ibinibigay ang mag-asawa sa kanilang planong ito.



MATAPOS ang kanyang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCE) journey, tuluy-tuloy ang guestings at projects ng Sparkle artist na si Michael Sager. Ilan dito ang pagiging Unang Hirit (UH) host-mate na nagpapasigla sa morning barkada at ang pagpapasaya sa tanghalian kasama ang TikToClock.


Kamakailan naman ay nag-post ang Sparkle ng isang throwback video sa kanyang PBB journey kung saan nagpakita ng suporta ang kanyang mga fans.

Sey ng ilang netizens, “The Big Winner we never had.” 


Bumubuhos ang suporta ng mga tagahanga hindi lang sa kanya, kundi sa duo nila ni Emilio Daez.


Samantala, nakaabang naman ang mga fans sa iba pang upcoming projects ni Michael. Isa na rito ang muli nilang pagtatambal ni Jillian Ward. Sey ng isang netizen, “Basta kami, MicJill (Michael at Jillian) lang, wait namin ang another project nila.” 


Ano pa nga kaya ang mga pasabog ni Michael Sager ngayong 2025? 

Abangan…



Sa pagtatapos ng linggo, sinu-sino nga kaya sa ex-housemates na sina Ashley Ortega, Charlie Fleming, Josh Ford, AC Bonifacio, Kira Balinger, at Ralph De Leon ang muling makikita sa loob ng Bahay ni Kuya?


Mula nga nang ma-announce ang ‘Wild Card’ ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ngayong season, ay kani-kanyang paraan ng pagsuporta ang mga fans upang makitang muli ang kanilang paboritong Kapuso at Kapamilya housemates matapos ma-evict para sa isang Big Comeback. Ang ilan nga ay patuloy ang pagkampanya sa kanilang mga social media.


Ang lahat ay maaaring bumoto gamit ang Maya App kung saan hanggang 30 votes daily ang maaaring gawin.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page