top of page

Kahit may 2 months na taning na dahil sa cancer… DOC WILLIE, TATAKBO PA RING SENADOR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 29, 2024
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Sep. 29, 2024



Showbiz News

Maraming nagulat sa naging announcement ni Doc Willie Ong na gusto niyang tumakbong senador sa darating na 2025 elections. Magpa-file raw siya ng kandidatura bago ang deadline. 


Sa kabila ng pagkakaroon niya ng Stage 4 Sarcoma cancer, buo pa rin ang loob ni Doc Willie at desidido siyang kumandidato. 


Gaya nga ng sabi niya noon, hindi raw siya hihingi ng tulong sa mga sponsors para sa kanyang campaign funds. Pero ang tanong ng marami ay kung kakayanin pa ba ng kanyang katawan ang pag-iikot upang mangampanya.


Si Doc Willie Ong na rin ang nagsabi na tinaningan na siya ng mga doktor at 2 to 3 months na lang daw ang puwedeng itagal ng kanyang buhay. 


Nasa Singapore ngayon si Doc Willie at nagpapagamot sa isang malaking ospital. Patuloy niyang nilalabanan ang kanyang karamdaman. Tinitiis niya ang chemotherapy at iba pang proseso na ginagawa sa kanya. 


Sa kabila ng lahat, patuloy siya sa kanyang positibong pananaw at umaasang gagaling sa kanyang karamdaman. 


Maraming nagdarasal ngayon para sa kalusugan ni Doc Willie Ong upang maka-survive siya sa cancer.


Todo-displey ng relasyon, pero…

COCO, 'DI PA RIN MAPAKASALAN SI JULIA


Coco Martin at Julia Montes CocoJul

LABIS na ipinagtataka ng marami kung bakit hindi pa mapakasalan ni Coco Martin si Julia Montes. Okey lang ba sa aktres ang setup ng kanilang relasyon ni Coco? 


Sabi naman ng mga netizens, baka naman lihim na silang nagpakasal ng civil at ayaw lang nilang ipaalam sa publiko. 


Good provider naman si Coco Martin at hindi nagkukulang sa kanyang obligasyon kay Julia at sa diumano'y kanilang mga anak. 


Ilang taon ding itinago nina Coco at Julia ang kanilang relasyon. Pero ngayon ay inilantad na nila at madalas na silang nakikitang magkasama sa mga public places. Maging ang kanilang pagbabakasyon abroad ay ipino-post na nila sa socmed (social media). 


Well, sikat na sikat na si Coco Martin ngayon at financially stable na. Mabibigyan na niya ng magandang future si Julia at ang sinasabing mga anak nila. 


At hindi naman makakaapekto sa career ni Coco sakaling mag-asawa na siya dahil action star siya at walang permanenteng ka-love team.



MAGING ang writer daw ng Batang Quiapo ay tinanong si Ricardo Cepeda kung ready na ba siyang mag-taping. 


Matatandaang matagal nang naging bahagi ng serye si Ricardo bago pa siya nadakip sa kasong estafa na naging dahilan ng kanyang pagkakakulong. 


Ngayong nakalaya na siya at napawalang-sala, gusto ni Ricardo na makapagtrabahong muli. Hindi siya pinanghinaan ng loob sa panahon na lugmok siya sa malaking pagsubok na kanyang pinagdaanan. 


Kumuha siya ng lakas sa kanyang asawa, na hindi bumitaw sa kabila ng mga panghuhusga sa kanya. 


Maging ang kanyang mga anak ay hindi ikinahiya ang sinapit niya dahil alam nilang hindi ito totoo. At dininig ng Diyos ang kanilang dasal kaya napawalang-sala si Ricardo Cepeda.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page