Kahit marami nang baguhan ngayon… HAJJI: MAS GUSTO PA RIN NG NAKIKINIG ANG MGA ORIG SINGERS
- BULGAR
- May 5, 2023
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | May 5, 2023

Isang magical na pagtatanghal ang ihahandog ng Enchanted Kingdom ngayong Linggo (May 7) na pinamagatang The Four Kings and a Queen.
Tampok dito sina Hajji Alejandro, Nonoy Zuñiga, Rey Valera at Marco Sison at ang Concert Queen na si Ms. Pops Fernandez.
Yes, tama nga kayo sa nabasa ninyo na muling magsasama ang mga icon singers sa isang show at gaganapin nga ito sa nasabing amusement park.
Makikipagbardagulan si Pops sa apat na mahuhusay na mang-aawit. Hindi raw siya magpapalamang kina Hajji, Nonoy, Marco at Rey.
"Kahit nag-iisa lang akong babae, kaya ko silang tapatan. Kung kaya nilang pasayahin ang mga manonood, aba! Kaya ko rin."

Kakantahin nila ang mga awiting pinasikat nila noon, kasama ang iba pang mga bagong awitin para naman maka-relate rin ang mga batang manonood.
Natanong si Pops kung sanay na siya sa mga biro ng apat na icon singers. Sambit ng Concert Queen, "Sanay na ako sa kanila at so far, takot sila sa akin kaya hindi nila ako mabiro nang seryoso."
Pero okay at wala namang isyu sa kanya kung biruin siya ng mga ito dahil mababait naman daw ang mga ito at sakto lang ang mga biro nila kay Pops.
Natanong din sila kung ano ang kaibahan ng mga singers noon at ngayon.
Sabi ni Pops, "Kani-kanyang style at techniques ngayon ang mga nagsusulputang singers."
At nakadepende na lang daw 'yan sa kung ano'ng gustong mapakinggan ng mga listeners.
Sey naman ni Hajji, "Okay lang 'yung mga baguhang singers, pero ang gusto pa rin ng iba ay 'yung mga original na kumanta."
Sabi naman ni Marco, "Iba-iba rin nga ang style ngayon, sa performance na lang talaga nagkakatalo. Iba 'yung narinig mong kumanta kaysa kapag nag-perform na sila."
Samantala, hindi naman nakarating sina Nonoy Zuñiga at Rey Valera sa mediacon ng The Four Kings and a Queen, pero siniguro ng producer na darating sa concert ang dalawa.





Comments