top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kahit magkatapat ang noontime shows… VIC AT KIM, FIRST TIME NAGSAMA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 29, 2023
  • 1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | August 29, 2023



Marami naman ang naaliw sa naging inteview ni Kim Chiu kamakailan kay Bossing Vic Sotto para sa isang vlog.


Hindi namin nalaman kung para saan ‘yung interview o kung meron bang sasambulat na collab project ang dalawa, pero malinaw sa naging tsikahan nila na for fun at saya lang ito.


Very rare ngang matatawag ang ganu’ng tagpo lalo't may mga noontime shows silang magkalaban o magkatapat, na siyempre pa, hindi maiiwasang ikumpara o pagsabungin.


But Kim handled the interview so well and that she got the answers to the questions thrown at Bossing Vic.


Si Bossing Vic naman ay buong giliw at taos-puso kung sumagot ng mga tanong, na lalong nagpatibay sa imahe niyang marespeto at totoo.


Mula sa mga usaping pulitika hanggang sa regalo kay Pauleen Luna at wish nitong matutunan ng anak na si Tali, masaya ang naging takbo ng interview.


Hagikhik, tawa at ang naturalesa ni Kim na bungisngis naman ang ikinaaliw din ng mga nakapanood.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page