top of page
TEKA NGA - KIM, BIGLANG INIWAN ANG CAREER SA ‘PINAS PARA TUMIRA SA CANADA_IG _chinitaprinc

Kahit magkasama sa It’s Showtime… VICE AT KIM, ‘DI NA SUPER CLOSE TULAD NG DATI

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 7
3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 7, 2026



TEKA NGA - VICE AT KIM, ‘DI NA SUPER CLOSE TULAD NG DATI-IG _praybeytbenjamin & _chinitaprincess

Photo: IG _praybeytbenjamin & _chinitaprincess



Mukhang hindi pa nareresolba ang isyu sa pagitan nina Vice Ganda (VG) at Kim Chiu dahil may tampo pa rin ang Chinita Princess kay VG, kahit na halos araw-araw pa silang magkasama sa It’s Showtime (IS). 


Ramdam na hindi na sila ganoon ka-close tulad ng dati. At dawit dito ang mga fans ni Kim na inookray si Vice para lang maipagtanggol ang kanilang idolo. 


May pagka-sensitive si Kim at mas pinaboran at pinaniwalaan ang mga kuwento ng kanyang mga fans.


Sa side naman ni Vice, naghihintay lang siya na maunang lumapit si Kim upang magkaroon sila ng heart-to-heart talk. 


Ginagawang isyu pa ngayon ang pagiging mas malapit daw ni Vice Ganda kay Anne Curtis. 


Well, hindi naman masisisi si VG na maging mas close kay Anne dahil mas nagpapakatotoo ito at walang mga hang-ups sa buhay.





Mister, lalong masisira sa kapapatol sa mga bashers… MARIEL, PINATAHIMIK NA NI ROBIN



AYON sa ilang kampo na malapit kay Sen. Robin Padilla, hindi na magre-react at sasagot si Mariel Padilla sa mga bashers na naninira sa kanyang mister.


Inawat at pinayuhan na raw siya ng mister na manahimik na lang at huwag patulan ang mga bashers at kritiko. Hindi raw ito makatutulong sa political career ng senador.


Mas dadami lang daw ang maninira dahil ang gusto ng mga kalaban ay ibagsak ang popularidad ni Sen. Robin sa masang Pinoy.


Well, dapat matutunan ni Mariel ang ‘art of dedma’. Walang puwang sa mundo ng showbiz ang mga taong sensitibo at balat-sibuyas. Kailangan niya ng matibay na dibdib upang maka-survive.


Mas matindi ang labanan sa pulitika kaysa sa showbiz. Kailangan ay marunong siyang mag-adjust at makipaglaro sa sinuman kung gusto niyang tumagal, dahil mukhang hindi pa e-exit sa pulitika si Sen. Robin dahil may plano pa itong tumakbong muli sa 2028 elections.





Movie ng aktres, binoykot ng fans dahil iba ang leading man… HIWALAYAN NILA NI BARBIE, SI DAVID ANG DAHILAN



NAGTATAMPO at sumama raw ang loob ng maraming BarDa fans sa Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza dahil sa pagkabuwag ng kanilang tambalan ni David Licauco.


Mas pinili raw ng aktres na gumawa ng mga projects na hindi si David ang kapareha. All-out pa naman ang ibinigay nilang suporta sa BarDa love team.


Kaya gustuhin man nilang panoorin ang pelikulang Saving Cherry (SC), ay hindi nila magawa dahil ang aktor ang gusto nilang kapareha ni Barbie.


Ganunpaman, hindi sila nawawalan ng pag-asa na muling magtatambal ang dalawa.


May paliwanag naman ang kampo ng aktres kung bakit hindi na muna sila magpapareha sa anumang proyekto. Unang-una, pumirma na si David ng management contract sa VIVA Entertainment Inc.. Hindi na siya under GMA Artist Management.


At hindi kasalanan ni Barbie kung bakit nabuwag ang tambalan. Artist lang din siya na sumusunod sa desisyon ng GMA Network.





DENNIS, NEVER NA RAW MAPAPATAWAD NG MGA ANAK KAY MARJORIE



WALA na raw aasahan pa si Dennis Padilla na maaayos ang relasyon niya sa kanyang mga anak. Ito ay ayon na rin sa psychic-tarot card reader na si Gloria Escoto, a.k.a. (also known as) Mamu.


Ang hula, hindi na raw matatanggap pang muli si Dennis ng kanyang mga anak, kaya dapat ay mag-move on na rin siya sa kanyang buhay at tutukan ang bago niyang pamilya ngayon.


Kahit na ano ang kanyang gawin at kahit anong emote niya sa social media, mananatiling matigas daw ang puso ng kanyang mga anak.


At habang nanunumbat si Dennis sa mga anak nila ni Marjorie Barretto, ay lalong lumalayo raw ang loob ng mga ito sa kanya.


Well, ayon sa mga netizens, tanggapin na lang ni Dennis na hindi na niya muling maibabalik ang lahat. Malalaki na ang mga anak nila ni Marjorie at may mga pagkukulang din naman siya sa kanyang tungkulin bilang ama.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page