Kahit mag-BFF pa… TONI, 'DI MA-TAKE NA MAY MALAKING BAHAGI SI VICE SA BUHAY NIYA
ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 18, 2022

Magiging sobrang memorable ang 39th birthday ni Toni Gonzaga on January 20, 2023 dahil isasabay niya rito ang celebration ng kanyang 20th year in showbiz sa pamamagitan ng kanyang comeback concert titled I Am… Toni na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum at produced ni Joed Serrano.
Nang makapanayam namin si Toni sa face-to-face presscon niya kahapon para sa naturang concert, ayaw pang sabihin ng aktres-TV host-singer-vlogger ang mga guests na makakasama niya sa I Am… Toni at surprise na lang daw.
"Ayoko ngang sabihin kasi nga surprise. Kapag sinabi ko na, hindi na surprise. Surprise na lang ang mga guests. Kasi remember 'yung mga concerts ko before, right then sa presscon ko, sinasabi ko na agad 'yung mga guests. Eh, parang mas gusto namin na surprise na lang ang mga guest list para may mystery sa concert."
Kaya ang hirit naming tanong, mapapanood ba si Vice Ganda sa I Am… Toni?
May mga nag-aabang kasi kung muli ba silang magkakasama sa isang project tulad nga nitong concert matapos mabahiran ng intriga ang kanilang friendship dahil sa pulitika.

As we all know, identified na Kakampink si Vice habang P-BBM supporter naman si Toni.
Sagot ni Toni na may pangangantiyaw sa amin, "Ikaw naman... Sino ba naman ang nag-aabang?
Baka ikaw lang, Janiz. Ikaw, may mga ganu'n ka talaga...Ikaw talaga."
Sabi naman namin, of course, knows ng lahat na may "malaking parte" rin si Vice sa buhay niya dahil naging close ito sa kanila ng sister niyang si Alex Gonzaga.
Naintriga kami sa sagot ni Toni na "Becauuuuse?" na sinundan nito ng "No, becauuuse?
Yes, oo, I worked with him in 2008 at saka sa movie namin, oo.
"Alam mo, lahat ng mga taong nakatrabaho ko, malaking parte ng karera ko sa industriya not just one particular person... every artist na nakatrabaho ko, MALAKING PARTE sa buhay ko."
Nagbiro rin si Toni na baka raw sa dami ng napag-usapan ay si Vice Ganda rin ang i-title namin.
Of course, ayaw naman daw niyang madamay pa si Vice lalo't concert niya 'to.
So, abangan na nga lang natin. Matagal pa naman ang January 20, 2023, marami pang puwedeng mangyari.
Anyway, sabi ni Toni, happiness ang nangingibabaw sa kanya kesa sa takot sa pagbabalik niya sa concert stage.
"Happiness siyempre lagi. 'Yung nasabi ko na kay Kuya Mario (Dumaual)...I do not live in fear...I live in faith...So if you live in faith you don't have nothing to fear, 'di ba? So HAPPINES and gratefulness because if you appreciate, you appreciate, so du'n tayo sa good things in life."
Korak! Love, love, love and happiness na lang talaga para positive vibes lagi!





Comments