top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kahit Limitless Star pa… JULIE ANNE, NO MATCH PA RIN KAY SARAH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 16, 2024
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 16, 2024




Multi-talented ang Kapuso artist na si Julie Anne San Jose. Bukod sa pagiging singer-performer, tumutugtog din siya ng iba’t ibang musical instruments tulad ng gitara, piano at iba pa. 


Bukod dito ay nakakaarte rin si Julie at nakalabas na sa ilang serye ng GMA-7, katulad ng latest niyang pinagbidahan sa Maria Clara at Ibarra bilang si Maria Clara. 


Nahasa rin ang singer sa pagho-host. Dahil dito, binansagan siyang “Limitless Star” at patuloy na inaalagaan ng GMA Network ang kanyang career. 


Marami na ring shows at mini-concerts na nagawa si Julie Anne, pero ang inaabangan ng lahat ay kung kaya ba niyang mag-concert sa malaking venue. Kaya ba niyang punuin ang Araneta Coliseum? Kakayanin kaya niyang maabot ang kasikatan na tinamo ni Sarah Geronimo? Isa ‘yun sa malaking challenge na haharapin ni Julie Anne San Jose. 


Hindi naman puwedeng sa love team nila ni Rayver Cruz lang siya dumepende, dahil mas kailangan pa niyang i-push nang husto ang kanyang career upang tumatag at magtagal siya sa entertainment industry.

 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page