Kahit laya na… VHONG, TAKOT NA TAKOT PA RING MAKULONG ULI
ni Julie Bonifacio - @Winner | December 14, 2022

Bumabawi si Vhong Navarro sa kanyang mga anak na sina Bruno at Yce pagkatapos makalabas sa Taguig City Jail.
Ang ina ni Yce na si Bianca Lapus ang nag-share sa kanyang post sa Twitter ng latest relationship ni Vhong with his children.
Tweet ni Bianca, “Been on hiatus, been very busy attending to personal/family matters. And I decided to just rest my social media first. Medyo checking ako now. Thank you all for your prayers and support. My son is very happy, nagbabawi ng oras ang mag-aama.”
Ayon naman sa aming source, kahit masaya si Vhong kapiling ang kanyang mga anak at asawang si Tanya Bautista, hindi pa rin daw “normal” ang galawan ng komedyante-TV host.
May mga unguarded moments daw si Vhong na nananahimik at malungkot. Pansin ng mga nakakasama ni Vhong na may mga sandaling tila takot na takot pa rin siya.
Understandable naman dahil ‘di pa rin tapos ang kasong kinakaharap niya. Knows niyang mahaba pa ang laban na haharapin niya and ‘di siya nakakatiyak kung hindi na o maibabalik ba ulit siya sa piitan.
Kaya ang maging masaya nang husto ngayong Pasko ay talagang can’t afford pa ni Vhong.
Maaaring ito rin ang reason kaya malabo pa ring bumalik at kayanin ni Vhong ang magpakasaya at magpasaya sa madlang pipol sa It's Showtime.
Samantala, naghahanda na raw ang legal team ni Vhong para sa pagharap nilang muli sa korte para sa pagdinig ng kasong rape na isinampa sa kanya ni Deniece Cornejo.
Pero ready na raw ang legal team ni Vhong sa magaganap na trial ng case na naka-set na on February of next year.
“The legal team is ready for trial. All the witnesses to be presented are stated in the pretrial order and the legal team is prepared for each witness,” pahayag ni Atty. Marie Glen Abraham-Garduque sa isang interbyu.





Comments