top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kahit laya na… VHONG, 'DI PA MAKAKABALIK SA IT'S SHOWTIME

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 8, 2022
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | December 8, 2022



Hindi muna mapapanood ng madlang pipol si Vhong Navarro sa It’s Showtime matapos na pansamantalang nakalaya sa pamamagitan ng isang milyong pisong piyansa dahil gusto muna nitong magpahinga at makasama ang pamilya.

Base ito sa ibinalita ni Nanay Cristy Fermin kahapon (Miyerkules) sa programa nila ni Romel Chika na Cristy Ferminute na napapakinggan sa Radyo5 92.3 News FM at napapanood naman sa One PH YouTube channel at Cignal Play app.


Sabi ni ‘Nay Cristy, “Sabi ni Atty. Alma Mallonga ay hindi agad-agad makapagtatrabaho sa Showtime si Vhong. Magpapalipas po muna siya ng mga ilang araw na pahinga dahil hindi naman po biro ang napiit ka nang halos tatlong buwan mula September 19 (2022), natural lamang po na babawi muna siya. Nangayayat si Vhong, ha?”

“Opo, hayaan muna natin siyang maka-bonding ang kanyang pamilya at hanapin muna ‘yung gana, alam mo ‘yun, ‘Nay? Ibalik lahat bago natin siya makita at makausap," sabi naman ni Romel Chika.

“Marami pong ninakaw ang panahon kay Vhong Navarro sa loob ng tatlong buwan ng pagkakapiit niya una sa NBI at dito nga po ngayon sa Taguig City Jail.

“Ninakaw ang kanyang pag-asa, ninakaw ang kanyang pangarap, ninakaw ang kanyang panahon, ninakaw ang kanyang trabaho kung saan siya kumikita kaya lahat ng ito ay babawi po muna si Vhong Navarro," paliwanag ng batikang manunulat at online host.

Samantala, maraming nagtatanong na listeners/kaibigan ng CFM kung may expiration ang temporary liberty ni Vhong at ipinaliwanag ni ‘Nay Cristy na wala dahil cash bond na one million ang ginawa ni Vhong.

At kapag napatunayang walang pagkakasala si Vhong o nanalo siya sa kaso ay ibabalik daw ang cash bond na isang milyong piso.

Ipinaliwanag din ni ‘Nay Cristy na kaya napagbigyan ng temporary liberty si Vhong ng Branch 69 ng RTC Taguig ay dahil napatunayang inconsistent ang mga sagot ni Deniece Cornejo sa cross examination sa kanya.


“Sa direct (examination), madaling makakasagot ‘yung nakaupo na tinatanong o ‘yung tinatawag na witness stand. Pero kapag cross examination na, kahit gaano po katalino ang isang nakaupo na saksi kapag inekis-ekis ang tanong at siya’y nagsisinungaling, mahuhuli siya talaga.


Magiging inconsistent. Ayon sa korte, tulad ng ating nabasa, napansin ng korte na inconsistent si Deniece Cornejo,” kuwento ni ‘Nay Cristy.

Hindi raw kasi kaagad nagsumbong si Deniece sa mga otoridad noong January 17, 2014 na may ginawa sa kanya si Vhong. Ang katwiran ng dalaga ay natakot siya sa paniniwalang nasa likod ng TV host/actor ang ABS-CBN.

May tanong kung bakit nagawang ilabas kaagad ni Deniece ang pangalawang nangyari sa kanila ni Vhong noong January 22, bagay na hindi nasagot. At kung bakit wala rin siyang medical record, hindi raw kasi siya sigurado.


“Isa pa sa mga tanong kay Deniece, ‘Bakit parang kinikilig ka nu’ng nasa elevator ka nu’ng sinasabi mong pinagsamantalahan ka ni Vhong Navarro? Sagot niya (Deniece), ‘Is there something wrong with that?’” kuwento pa ni ‘Nay Cristy.

Ayon kay Romel Chika, “Alam na alam na mahina talaga ang mga inilatag na ebidensiya.”

"‘Yan ang mga dahilan po kaya binigyan ng temporary liberty si Vhong Navarro. Nagduda po ang korte sa inconsistencies nitong si Deniece Cornejo,” saad ni Nanay Cristy.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page