top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kahit kumalat na ang pictures... TONI, ITINATAGO PA ANG PAGBUBUNTIS

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 18, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | April 18, 2023




Ang daming komento mula sa mga netizens patungkol sa lumalaking baby bump ni Toni Gonzaga.


Mukhang wala pang balak si Toni na ipaalam sa publiko ang kanyang pagbubuntis dahil tila naimbiyerna umano ang TV host-aktres nang lumabas ang chismis na buntis siya nu'ng kasagsagan ng isyu ng mister niyang si Direk Paul Soriano hinggil sa controversial presscon para sa Fil-Am actress na si Vanessa Hudgens.


Komento naman ng mga netizens…


"May tiny baby bump na siya noong concert pa lang niya. Dito naman, super obvious na, plus manas pa ang paa."


"Obvious namang naka-flats siya and manas na ang mukha, pati ang paa."


"She has really that model thin legs and ankles, ito diretso na. She is manas."


"Ano ngayon kung preggy? She's married, it's not a big deal."


"Parang ikaw lang gumagawa ng issue - what do you mean by ano ngayon? Oh, 'di pinag-uusapan, bawal? Powerful, eh, 'di ba? Eh, di pag-usapan 'yung powerful."


"Si Alex, parang may baby bump din."


"Sana ay busog lang si Alex. Hahaha!"


"Sanayin mo na ang sarili mo na kapag 'di ina-announce, it means itinatago na. 'Wag magpalamon lalo sa social media."


"Not a big deal. Decision nila if they want to announce it or not, baka 'pag sa YouTube gawin, may kita pa sila."


"Not shocking, kasi may asawa naman siya."


Oo nga naman, baka sa YouTube vlog na lang aminin ni Toni ang pangalawang pagbubuntis para may aabangan at papanoorin na naman ang kanyang mga fans at bashers.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page