top of page
Search
  • BULGAR

Kahit kontrabida basta may show.. JANELLA, TODO-KAYOD PARA MABUHAY ANG ANAK NILA NI MARKUS

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 16, 2022



Malaki ang naging epekto sa career ni Janella Salvador ng pagkakaroon niya ng anak. At dahil mommy na siya, hindi na lead role ang ibinibigay sa kanya.


Kung dati-rati ay nagbibida siya sa serye at mga pelikula, ngayon ay wala na siyang choice kundi tanggapin ang role na kontrabida at support sa mga bida.


Tulad ng kanyang role sa TV version ng Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon. Si Janella ang gaganap na Valentina, ang mortal enemy ni Darna.


Tanggap naman ni Janella kung hindi na lead role ang ibinibigay sa kanya ngayon. Thankful pa rin siya na may project at napapanood siya sa telebisyon. Kailangan niyang mag-survive upang masuportahan ang anak nila ni Markus Paterson.


Sa ngayon, civil lang sila ni Markus sa isa't isa. Gusto rin ni Janella na makabawi sa kanyang showbiz career. Alam niyang marami ang nanghihinayang sa mga oportunidad na kanyang pinakawalan nang piliin niya ang pag-ibig at pansamantalang talikuran ang kanyang career.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page