Kahit kay Aiko nagkaanak… JOMARI, IPINAGSIGAWANG SI ABBY ANG FIRST AND LAST LOVE NIYA
ni Nitz Miralles - @Bida | October 15, 2022

Nag-mediacon na kahapon ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters na tungkol sa Chua sisters na sina Lily (Aiko Melendez), Dahlia (Thea Tolentino), Iris (Angel Guardian) at Violet (Beauty Gonzalez).
Sina Ian Loreños, Nick Olanka at Xion Lim ang tatlong directors ng series na mula sa script ni Director Joey Reyes.
Curious kami kung nahingi ang reaction ni Aiko sa pahayag ng ex-husband at ama ng kanyang anak na si Andre na si Councilor Jomari Yllana patungkol kay Abby Viduya noong anniversary ng dalawa.
Binati ni Jomari ng happy anniversary si Abby at ang sabi, “My first and my last, my love and my life. Everything make sense since you came back.”
Ano kaya'ng reaksiyon dito ni Aiko?





Comments