top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kahit katapat ng It's Showtime… KIM: EAT BULAGA!, 'DI NAMIN KALABAN!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 2, 2023
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 2, 2023



Isa si Kim Chiu sa nakikisimpatya sa TVJ na sina Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon matapos ang pamamaalam ng legendary trio sa mga manonood ng Eat… Bulaga! last May 31, Wednesday.


Timing kasi na on that same day ay nagkaroon ng grand launch si Kim Chiu bilang bagong ambassador ng Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners.


Sa event ay hindi naiwasang hingan ng reaksiyon si Kim sa malaking pagbabago na ito, lalo pa nga’t parte siya ng It’s Showtime na mahigpit na kalaban sa time slot ng EB!.


“Change is nandiyan talaga ‘yan, eh. Parang hindi naman natin mababago ‘yan. And then, ‘yung high respect ng bawat isa sa TVJ is really there. Kahit saan man sila mapunta or kung anuman, susuportahan at susuportahan (sila),” pahayag ni Kim.


Aniya pa, mataas ang respeto niya sa TVJ at bilang kapwa artista ay sinusuportahan niya ang mga ito.


“Walang taong hindi nakakakilala sa kanila, sobrang taas ng respeto natin sa kanila. So, kung ano ‘yung desisyon nila and whatever is happening sa base nila, it’s for them.


“But for us, we just have to keep on supporting kung saan man sila mapunta. And that’s what they need also.”


Dagdag pa ng actress-TV host, “Lahat naman tayong mga artista, kailangan natin ng suportahan talaga. Hindi tayo maghihilahan pababa. We have to push each other forward, lalo na sa mundo ng change.”


Bagama’t magkatapat ang time slot ng It’s Showtime at Eat… Bulaga!, hindi itinuturing ni Kim na magkakompetisyon ang dalawang noontime shows since wala naman daw franchise ang ABS-CBN.


“Wala naman kaming franchise. Parang we’re just there to… na para… hindi naman sila kalaban, kasi sila, may prangkisa sila,” aniya.


Samantala, medyo naging emosyonal si Kim na sa dami ng kanyang pinagdaanan ay naririto pa rin siya at marami pa ring nagtitiwala sa kanya at kinukuha pa rin siyang endorser tulad nga nitong Sisters.


“Hindi pa rin ako makapaniwala and ang haba na ng itinakbo ko sa showbiz, pero meron pa rin palang bagong taong magtitiwala sa akin,” sey ni Kim na nagsisimula nang mapaiyak.


Samantala, ang vice-president naman ng Megasoft Hygienic Products, Inc. (maker of Sisters) na si Ms. Aileen Choi Go ay hangang-hanga kay Kim na sa kabila ng tagumpay ng aktres ay nananatili itong bubbly, inspiring and down-to-earth.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page