Kahit kapwa artista pa… ISKO, BINOYKOT NG MGA TAGA-SHOWBIZ

ni Nitz Miralles - @Bida | April 1, 2022

Si Manila City Mayor Isko Moreno ang galing sa entertainment industry sa mga tumatakbong pangulo, pero napapansin namin, walang masyadong taga-showbiz na nangangampanya para sa kanya o sa kanila ni Doc Willie Ong, ang kanyang running mate.
Kay VP Leni Robredo at kay Sen. Kiko Pangilinan ang major support ng mga taga-entertainment industry. Sa mga rally nina Leni at Kiko, ang daming actors, singers at banda na nagpe-perform at ang iba, sumasama sa campaign rally.
May mga actors at singers din na sumusuporta kina Bongbong Marcos at Sara Duterte.
Ang madalas na nakakasama ay sina Toni Gonzaga at Andrew E. at nadagdag si Rufa Mae Quinto. Si Randy Santiago, nagho-host, at ang ibang singers gaya nina Dulce at Imelda Papin, minsan lang sumama sa kampanya.
Pero kay Isko, parang walang taga-showbiz na sumama sa kanyang campaign sortie, walang kumakanta at nagho-host. Nasaan ang mga kaibigan ni Isko?
Sa isang TV ad ni Isko, nakita namin si Jay Manalo at nitong huli, napanood namin si Billy Crawford na ini-endorse si Isko sa Instagram. Naka-off ang comment box ng IG ni Billy, kaya hindi siya ma-bash ng mga ayaw kay Isko.
Paano kaya ‘pag nanalo si Isko, ano ang gagawin ng mga taga-showbiz na hindi sumuporta sa kanya?
Ramdam ito ng ilang press people at sabi nga nila, gusto nilang manalo si Isko, para lang malaman kung ano ang gagawin ng mga taga-showbiz na hindi siya sinusuportahan.





Comments