Kahit Kapuso na… XIAN, JOIN PA RIN SA ABS-CBN BALL
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 15, 2022

Kinumpirma ni Xian Lim na dadalo siya sa ABS-CBN Ball at siyempre, ang partner niya ay walang iba kundi ang Kapamilya girlfriend na si Kim Chiu.
In fact, nakatanggap na raw ang aktor ng imbitasyon para sa nasabing ball at hinintay lang niya na sabihan siya ni Kim.
“Hinintay ko lang 'yung invite from Kim, eh. Ayoko namang biglang mag-ready, tapos hindi pala ako invited,” sabi ni Xian sa panayam ng ABS-CBN.
Inamin ng aktor na sobra siyang natuwa nang makatanggap ng imbitasyon from Kapamilya Network since as we all know ay isa na nga siyang Kapuso ngayon.
“Sobra akong na-happy na nabigyan ako ng invitation. Siyempre, hindi ko naman iisipin na, ‘Okay, baka kasama na ako diyan.’ So I’m very happy and I feel very privileged and it’s an honor na mabigyan pa rin ako ng imbitasyon. So, thank you, Star Magic,” ani Xian.





Comments