top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahit kalat nang magdyowa… SETH: WALANG 'KAMI NA' NI FRANCINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 20, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | August 20, 2023


Inamin ni Seth Fedelin na walang naganap na “kami na” sa kalabtim niya sa pinag-uusapang Kapamilya teleserye na Dirty Linen na si Francine Diaz. Pero marami ang naniniwalang sina Seth at Francine na off-cam.


Matagal na kasing nali-link sa isa't isa sina Francine at Seth bago pa man sila nahiwalay sa kani-kanilang kalabtim noon na sina Kyle Echarri at Andrea Brillantes, respectively.


Sobrang focused kasi sina Seth at Francine sa kanilang mga karakter sa Dirty Linen and on the show itself, na kapag ‘di sila ready sa set ay tiyak na lalamunin sila nang buung-buo ng mga kasama nila sa show gaya na lang nina John Arcilla, Tessie Tomas, Janice de Belen at iba pa.


Kailangan nilang ibigay ang kanilang best sa ganda ng teleserye. Plus, ang Dirty Linen din ang kauna-unahan nilang project sa ABS as love team.


Bukod kina Seth at Francine, bagong kombinasyon din nina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo ang ibinigay ng Dirty Linen sa mga manonood, na kinagat naman ng mga televiewers.


Sa ginanap na finale mediacon ng Dirty Linen, ishinare nina Seth, Francine, Zanjoe at Janine ang mga babaunin nila mula sa kanilang serye sa susunod nilang mga proyekto.


Sabi ni Janine, Siguro 'yung magic ng show ay 'yun talaga, parang nag-teamwork talaga kami. Parang naghatakan ng emosyon. 'Yung pagiging bukas ng mga kaeksena mo, 'yun lang din naman 'yung rason kung bakit ka gumagaling o bakit mo naibibigay 'yung maganda mo rin na performance, eh, dahil sa maganda rin na naibigay ng kaeksena mo.


“Kaya I don't take credit just alone, kasi itong Dirty Linen, from the writers, bukas na bukas sila sa mga tanong namin, to our directors na grabe rin sa tutok. Sa bawat character, lahat ay ibinibigay ang best. So I think 'yun 'yung best ingredient lang talaga ng Dirty Linen."


Sinang-ayunan ni Zanjoe ang sinabi ni Janine.


"Dugtungan ko na parang talagang teamwork kasi mayroong Avengers na team, nakita ko sila, lalo na 'yung pa-ending. 'Pag may scene sila na magkakasama, tapos emotional o medyo mataas na, nakikita mo sila, nagmi-meeting talaga 'yung Avengers. Nag-uusap sila as characters kung paano nila gagawin.


“Kami rin, bilang pamilya rin ng Fiero, kapag may co-star kami na mabibigat ang scenes ay ganu'n din 'yung ginagawa namin, kami ni Ms. Janice (de Belen), kami ni Kuya John (Arcilla), Ms. Tessie (Tomas), gagawin na namin 'yung scene as a group.


“Ayaw kasi nila 'yung pag-take na lang ay doon mag-uusap kung ano ang gagawin sa scenes.


Kaya mas nakakatulong sa amin na younger actors na ganu'n 'yung sistema sa set,” ani Zanjoe.


Inaabangan na ng mga manonood ang huling dalawang linggo ng sikat na Kapamilya teleseryeng Dirty Linen kung saan masasaksihan ang walang katapusang gantihan na mauuwi sa patayan ng dalawang pamilya nina Janine (Alexa) at Zanjoe (Aidan).


Mula sa direksiyon nina Andoy Ranay at Onat Diaz, napapanood ang Dirty Linen sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.


Pagkatapos ng serye, lilipad naman patungong Amerika ang apat na lead stars para sa G! Kapamilya Presents Dirty Linen sa America!.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page