top of page

Kahit kalat na hiwalay na… MICHELLE, UMAMING OKS PA RIN SI CRISTINE SA PAMILYA NI MARCO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 7
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | June 7, 2025



Photo: Michelle Gumabao - IG


Pagkatapos magbigay ng opinyon ng kapatid ni Cristine Reyes na si Ara Mina hinggil sa hiwalayan nila ni Marco Gumabao, heto at si Michelle Gumabao, sister ng actor, naman ang nagsalita.


Nag-react ang volleyball star player ng Creamline Cool Smashers na si Michelle sa rumored breakup ng kanyang brother at ni Cristine.


Sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), guest si Michelle at nabanggit niyang wala pa siyang ibinibigay na advice regarding sa hiwalayan umano ng dalawa.


Aniya, “No, Tito Boy, not at all. And I don’t actually know where they are now in their relationship.


“I just know na nakausap ko pa rin s’ya last week, and I gotta see her din, especially when her dad passed away. So, she has a good relationship with our family. So, at least whatever is happening between them, hindi naman na-affect ‘yung mga tao sa paligid like us.”


Sey pa niya, “I haven’t seen him (Marco), so I haven’t asked him.”


Hindi rin kasi aware si Michelle sa real score ng kanyang kapatid at ng aktres.


Sagot niya, “But I don’t know if they get to talk again now. So siguro something to ask him when I see him.”


Kamakailan lang ay ikinasal na si Michelle sa businessman na si Aldo Panlilio. The lovely couple exchanged wedding vows in a Catholic ceremony at the National Shrine of the Sacred Heart in Makati. Later, ay muling nagkaroon ng wedding ang dalawang personalidad sa Baguio.


Aktor, sinosopla…

JULIA, NAG-PANIC DAW NANG LIGAWAN NI COCO


IKINUWENTO ni Julia Montes kung paano siya niligawan noon ni Coco Martin sa interbyu na mapapanood sa YouTube (YT) channel ni Karen Davila.


Aniya, nag-panic siya nang maramdaman niyang interesado si Coco sa kanya.


Una nga raw ay na-hurt ang actor nang makita nito ang initial reactions ni Julia dahil lagi raw niya itong binabara.


Na-develop na lang daw ang kanilang relasyon nang maging magkatrabaho na sila sa isa pang project.


Pagkaka-describe pa ni Julia kay Coco ay sobrang maalalahanin ang aktor, lagi raw siyang sinosorpresa lalo na at tungkol sa mga pet dogs dahil marami rin siyang mga alagang aso. Paano nga ba siya niligawan ni Coco?


Kuwento niya, “Hindi agad-agad. Nu’ng nililigawan n’ya ako, nagpa-panic ako. So lagi ko s’yang bina-bluff hanggang sa na-hurt ko s’ya.”


Dagdag niya, “Nu’ng nag-meet kami ulit, nag-work kami ulit, du’n na nag-develop ulit.”


Aniya pa, super-sweet at thoughtful partner si Coco. 

Kahit magkarelasyon na ang dalawa ay napanatili nilang maging pribado ang namamagitan sa kanila.


Kapag tinatanong sila ng press people, tahimik lang sila, though may mga nakakakita na rin na lagi silang magkasama. 


But then, still no confirmation mula sa kanila. Mahigit isang dekada rin nilang naitago ang tunay nilang relasyon.


May, 2023, nang madulas ang dila ni Coco na they are indeed a couple after years of avoiding the topic sa isang interbyu. Natuwa naman ang entertainment press dahil hindi naman binawi ni Coco Martin ang kanyang sinabi. Bagkus, nagpaliwanag siya kung bakit hindi sila umaamin sa kanilang relasyon.


Para sa aktor, naiintindihan na rin naman ng mga netizens na may something na sa kanila ni Julia Montes, hindi man daw siya magsalita. Actions speak louder than words, ‘ika nga.


At hindi rin naman daw sikreto ang kanilang relasyon kundi pribado lang.


Wa’ award sa MMFF 2025…

MOVIE NI VILMA, NO. 1 SA NETFLIX


PALABAS na ang Uninvited sa Netflix at ito ang number one (1) movie sa streaming platform.


Kahapon lang ipinalabas ang nasabing movie na pinagbibidahan ni elected Batangas Governor Vilma Santos-Recto na kung tawagin ng lahat ay Ate Vi o Star for All Seasons.

Ang Uninvited ay isa sa mga entries sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) last December.


Unfortunately, special award lang ang nakuha ng movie sa MMFF Awards Night.

Napakaganda ng story, pero kung kikilatising mabuti ang movie, lalo na ang acting ng mga lead actors, mga bago lahat ang atake nila like Aga Muhlach at Nadine Lustre.

Komento nga ng mga netizens na nakapanood sa Netflix:


“Shutaaaaa ka, Nadine. Napaka-hot mo sa movie na ‘yan (fire emoji) slay!”


“Ibang Aga Muhlach ang role n’ya, nakakainis… manyakis s’ya.”


“This is 2nd Time Watching @ NETFLIX at Home at early 2 wee wee am!! HAPPY SMILEY!!!”

“Done watching. Lahat ng actors and actresses magaling pero bakit naman lahat ng dialogues, may mura?”


“The more I applaud Vilma! She is truly a Star of All Seasons, not to mention she’s the wife of my classmate Ralph in DLSU.”


“Maganda, kaya lang masyadong violence. Hindi s’ya puwede sa lahat, rated PG s’ya.”

Ang big question ng netizens, “Why? WALA MAN LANG AWARD KAHIT ISA ANG UNINVITED?”

‘Di ba?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page