top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahit Kakampink ang mga BFF sa showbiz… AI AI, LANTARAN NA ANG SUPORTA KINA BBM-SARA

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 4, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | April 4, 2022




Nagpahayag na ng suporta sa UniTeam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte si Ai Ai delas Alas at ipinahayag niya ito sa UniTeam’s Miting de Avance ng Overseas Filipino Workers.


Kinumusta ni Ai Ai ang mga OFWs sa iba’t ibang parte ng mundo at ibinahagi na may pusong OFW din siya.


Karamihan sa mga kaibigan ni Ai Ai sa entertainment industry ay Kakampink, pero magkakaibigan pa rin sila. Pagkatapos ng eleksiyon, sila-sila pa rin ang magkikita-kita, kaya maganda ‘yung walang away at parinigan.


Wala pa namang namba-bash kay Ai Ai sa pagiging open sa suporta kina Bongbong at Sara at hindi rin natin alam kung sasama siya sa campaign sortie gaya ni Rufa Mae Quinto na naba-bash dahil maka-UniTeam daw.


Sa May 14, may show si Ai Ai sa Florida kasama sina Carol Banawa, Robin Nievera, Golden Cañedo, Betong Sumaya at Martin Nievera. Tsine-check namin kung Kakampink ang mga nabanggit, pero dahil after election na ang show, kahit may Kakampink na kasama si Ai Ai, wala na sigurong kantiyawan dahil tapos na that time ang election at baka may nanalo na.


And speaking of Ai Ai, sa April 25 na ang pilot ng Raising Mamay sa Afternoon Prime slot ng GMA-7. Inang may isip at mentalidad ng isang bata ang role at karakter na ginagampanan ni Ai Ai sa series. Nagpauna na ito na nakakaiyak ang series, kaya ihanda ang inyong mga panyo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page