top of page
Search
  • BULGAR

Kahit ipina-Tulfo pa… SUPER TEKLA, BINALIKAN ANG MADIR NG ANAK, BINUNTIS PA ULI

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 14, 2022



Balitang-balita ngayon na nakipagbalikan sa dati niyang girlfriend na si Michelle ang comedian-host na si Super Tekla at buntis na naman daw ang girl.


May baby boy na sina Tekla at Michelle bago pa nagkahiwalay.


Maraming kaibigan ni Super Tekla ang nagpapayo noon na 'wag na niyang balikan si Michelle dahil bad influence sa kanya. Si Michelle pa kasi ang nagkakalat noon ng mga kasiraan ni Tekla at umabot pa nga sila sa puntong ipina-Tulfo ang komedyante.


At pati ang pamilya ni Michelle ay si Super Tekla ang bumubuhay dahil kasama nila sa bahay.


Sa ngayon ay walang magawa ang mga taong nagmamalasakit kay Tekla. Talagang mahal ng komedyante ang ina ng kanyang anak. At kahit na ano pa ang sabihin ng iba, hindi niya magawang layuan si Michelle.


Umaasa na lang ang mga kaibigan ni Tekla na sana, 'wag maapektuhan ang kanyang trabaho at maging professional ito. Bigyan niya ng prayoridad ang show niyang The Boobay & Tekla Show (TBATS). Kapag nagpabaya si Tekla, tapos na rin ang kanyang career.


Sa episode ngayon ng TBATS, may spoof sila ng game show na Family Feud!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page