Kahit inulan ng papuri… BINI, SOBRANG IYAK SA DINANAS SA COACHELLA
- BULGAR

- 1 hour ago
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | April 26, 2026

Photo: Ryan Agoncillo - Instagram
Worth it ang maiinit na palakpak at paghanga na nakamit ng Nation’s Girl Group na BINI sa historic performance nila sa katatapos na Coachella 2026 Music and Arts Festival na ginanap sa Empire Polo Club sa Indio, California, USA nitong April 10 hanggang April 19.
Nakabibingi ang mga naririnig naming hiyawan at magagandang komento sa BINI base sa napanood naming videos na nag-trending sa social media, bukod pa sa post ng Coachella Facebook (FB) account.
Kaya pala grabe ang iyak ng BINI kasama na ang mentor at Star Magic/TV Production head na si Direk Laurenti Dyogi dahil sa likod ng mga papuri sa kanila ay sobrang hirap pala ang dinanas nila simula sa paglakad ng kanilang mga papeles na kailangan para makalipad sila papuntang Amerika.
Sa napanood naming TikTok (TT) video, naikuwento ni Direk Lauren na may inquiry sa BINI noong nakaraang taon.
“I will not deny, nakakuha na kami ng certain inquiries and interests, so we’re meeting some people here for future collaboration and partnerships for performances. ‘Di pa namin masabi kung ano man ‘yun, but at the right time, mararamdaman din natin ‘yung epekto ng Coachella performance nila and the mileage that we get,” say ng manager ng grupo.
Maraming sakripisyo at pagsisikap ang Team BINI para makapunta sila sa Coachella at dahil mahal ang pamasahe sa eroplano ay key people lang ang isinama at multi-tasking sila.
Wala silang assistants tulad ng nakasanayan kapag may mga shows.
“Planning pa lang for Coachella, ang dami na naming struggle financially. Kailangan naming magtipid. Whatever we were getting from Coachella was not enough to cover our expenses,” saad ni Direk Laurenti.
Ang laging iniisip nila, ang misyon nila sa Coachella ay mas maipakilala pa ang musikang Pinoy globally.
Sobrang papuri ni Direk Lauren sa BINI dahil sa pagiging team players at pagiging maunawain sa mga hamong pinansiyal ng ABS-CBN.
“The girls, I have so much respect for them dahil wala silang arte, wala silang reklamo. They are willing to wrap it up. They carry their own stuff, cook for themselves, wash dishes, clean up,” saad ng head ng Star Magic.
Nagbalik-tanaw si Direk Lauren na sa bawat pagsubok ay may katapat na biyaya.
“In 2020, we were supposed to launch BINI but we couldn’t do it because ang daming nangyari. There was a global issue of COVID and at the same time, there was the shutdown of ABS-CBN. We didn’t know kung ano’ng mangyayari sa amin.
“This seems to be happening again. There is a global crisis that started in the year with a war in the Middle East, and then there’s another issue with ABS-CBN.
“Parang nauulit ‘yung nangyari before, but I suppose this can also be a good sign na something big will happen in the future.
“‘Pag maraming dagok ang dinaranas, parang we also receive a lot of blessings. And I suppose this Coachella experience is one of the biggest blessings not only for BINI, but also for ABS-CBN,” kuwento ng TV executive.
At heto, pagbalik ng bansa ng BINI ay may two-night sold-out concert sila na may titulong Signals World Tour 2026 na gaganapin sa SM Mall of Asia (MOA) Arena sa Hunyo 20 (Sabado) at 21 (Linggo).
ANG mga kapamilya ni Luis Manzano na sina Batangas Governor Vilma Santos-Recto at Jessy Mendiola-Manzano ang napanood sa pagbabalik ng Kapamilya Deal or No Deal (KDOND) para sa ika-anim nitong season na nagsimula na kagabi, Sabado (April 25), at mapapanood naman ngayong gabi, Linggo (April 26), si Jodi Sta. Maria bilang guest.
Napapanood ang KDOND sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, iWant, at Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) channel ng ABS-CBN Entertainment tampok ang brand-new episodes at bagong set ng Lucky Stars.
Sa susunod na mga episodes, makikilala rin ng viewers ang official first batch ng Lucky Stars na makakasama ni Luis na sina AC Bonifacio, The Aguinaldos, Arizona Brandy, Asia Yoona, Aubrey Miles, Christine Samson, Cris Villanueva, Diego Gutierrez, Eric Fructoso, Inah Evans, Jameson Blake, Jeremy G., Jopay Paguia, Kolette Madelo, Long Mejia, Negi, Rave Victoria, Red Ollero, at Ynez Veneracion.




Comments