top of page

Kahit inayawan ng madlang pipol at mga co-housemates… BRENT AT MIKA, NANALO SA PBB DAHIL SA MGA VLOGGERS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 10, 2025
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 10, 2025



Photo File: Brent Manalo at Mika Salamanca - IG


Labis na ikinagulat nina Brent Manalo at Mika Salamanca (BreKa) nang sila ang itinanghal na Big Winner sa katatapos na Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition.


Ramdam kasi ng BreKa na hindi sila paborito ng mga viewers at ng ibang PBB housemates. At ang BreKa ang ‘least desirable duo’ at marami na silang red flags.


Ang inaasahan nilang mananalo ay ang tandem ng RaWi (Ralph de Leon at Will Ashley) o ang CharEs (Charlie Fleming at Esnyr).


Pero maraming vloggers ang nagmahal at sumuporta sa tambalang Brent Manalo at Mika Salamanca. Sila ang underdog, kaya bumuhos ang boto sa kanila ng mga vloggers. Kaya, ganoon na lang ang pasasalamat ng BreKa tandem sa lahat ng vloggers na sumuporta sa kanila hanggang sa huling laban.


Ipinangangako nina Brent at Mika na tutumbasan nila ang tiwala sa kanila ng mga fans at ng GMA Network.



Dream come true para sa magaling na aktres na si Dina Bonnevie ang makasama ang kanyang mga anak na sina Oyo Boy at Danica sa isang show. 


Sa kanyang mga interviews ay madalas itong banggitin noon ni Ms. D. Gusto niyang makasama ang mga anak sa anumang project, sa telebisyon man o pelikula.

At nagkaroon nga ito ng katuparan sa programang House of D (HOD) na mapapanood sa YouTube (YT) Channel simula bukas, July 11.


Bukod kina Danica at Oyo Sotto, makakasama rin sa HOD ang kanilang mga partners na sina Marc Pingris at Kristine Hermosa.


May mga nagtatanong kung ano ang concept ng show na ito ni Ms. Dina. Ano ang puwedeng abangan ng mga viewers?


Parehong sanay sa pagho-host ng show sina Dina at Danica Sotto. For sure, kaya rin ni Kristine Hermosa ang makipagsabayan.


Ano ang magiging partisipasyon nina Marc Pingris at Oyo sa show?


Para naman sa mga kaibigan at fans ni Dina Bonnevie, makakatulong sa aktres ang pagkakaroon ng pagkakaabalahang show upang maka-move-on sa pagpanaw ng kanyang mister na si DV Savellano.


Well, sana sa regular network maipalabas ang HOD para mas marami ang makapanood.



AYON kay Mark Herras, walang tumatayong manager niya ngayon. Kung may offer sa kanyang trabaho ay direkta na sa kanya makikipag-usap. 


Kailangan niyang magsipag at kumayod nang husto dahil dalawa na ang kanyang anak — isang lalaki at isang one-month-old baby girl.


May mga kontrobersiyang pinagdaanan sa buhay si Mark. Isa na rito ang kanyang pagsasayaw sa isang gay bar pero hindi siya naapektuhan sa mga bashers.


Ang importante sa kanya ay magkaroon ng trabaho at kumita upang itaguyod ang kanyang pamilya.


Wish ng mga fans ni Mark, sana ay bigyan din siya ng GMA Network ng second chance dahil sa kanila nagsimula ang career nito.


At this point of his life, seryoso na si Mark Herras sa kanyang career. Hindi na siya ang dating happy-go-lucky at chickboy. Gusto na niyang tahakin ang bagong landas, alang-alang sa kanyang mag-iina.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page