Kahit inaayawan daw ng pamilya ng guy… RUFA MAE, MAY ‘K’ MAGMANA SA MGA NAIWAN NG MISTER
- BULGAR

- Aug 6
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 6, 2025
6
Photo: Rufa Mae Quinto - IG
Bagama’t wala pang official statement mula kay Rufa Mae Quinto sa sanhi ng kamatayan ng kanyang mister na si Trevor Magallanes, may mga lumulutang na balitang nakapag-iwan daw ito ng kanyang Last Will and Testament kung saan iniiwan niya ang kanyang mga naipundar sa kanilang unica hija na si Athena.
Ganunpaman, pareho namang hindi pa nag-file ng divorce sina Rufa Mae at Trevor kahit na naghiwalay na sila, kaya ang aktres-komedyana pa rin ang lumalabas na legal wife ni Trevor. At may karapatan siya kung anuman ang yaman ng mister na naiwan nito.
Pero may tsikang hindi boto kay Rufa Mae ang mga partidos ni Trevor, kaya maaari siyang tutulan na mabigyan ng parte sa mga ari-arian ng namayapang mister at posibleng ang anak lang nilang si Athena ang pamamanahan.
NAIYAK si Dina Bonnevie sa isang episode ng House of D (HOD) nang purihin at pasalamatan siya ng kanyang mga anak na sina Danica at Oyo Sotto, ganoon din ng kanyang manugang na si Kristine Hermosa.
Bilang ina, istrikto at disciplinarian si Dina. Hindi lumaking spoiled at bratty sina Oyo at Danica dahil sa pagsubaybay niya.
At noong maliliit pa ang mga anak ay isinasama niya kapag may shooting siya. Kaya naman ngayon na may sarili nang pamilya sina Oyo at Danica, na-realize nila na para sa kanilang kapakanan ang lahat ng ginagawang paghihigpit ng kanilang Mommy Dina.
Nagagamit nila ngayon sa kanilang mga anak ang tamang pagdidisiplina.
Sey nga ni Kristine, thankful siya kay Dina dahil nagkaroon siya ng mabait at responsableng asawa na tulad ni Oyo.
Kahit istrikto sa kanyang mga anak si Bonnevie ay naging mabuti namang parents sina Oyo at Danica.
MASUWERTE si Carmi Martin na sa loob ng mahigit apat na dekada niya sa showbiz ay patuloy na dumarating sa kanya ang magagandang TV at movie offers. Naranasan na niyang magbida noon sa ilang pelikula at nakatambal pa si Dolphy sa Dolphy’s Angels (DA).
Nagkaroon din siya ng mga TV shows tulad ng Tonight with Dick and Carmi (TWDAC) at Chicks to Chicks (CTC).
Sa loob ng 45 years ay walang tumayong manager si Carmi. Ngayon lang siya nagpa-manage kay Noel Ferrer, ang manager ni Ryan Agoncillo.
Nangarap din si Carmi na magkamit ng acting award. Kaya naman, sa payo ng mga kaibigan ay nag-undergo siya ng acting workshop kay Direk Ryan Carlos bago niya tinanggap ang role sa Ang Himala ni Sto. Niño (AHNSN) na serye sa TV5. Dito nga siya nanalong Best Actress mula sa Golden Dove Awards. Ito ang kauna-unahang acting award na natanggap ni Carmi, kaya memorable ito sa kanya.
Sa edad niyang 61, nanatiling single si Carmi Martin. Pero wala siyang regrets dahil personal choice niya ito. Masaya naman siya sa buhay niya ngayon.
MARAMI ang naantig ang loob nang mapanood ang interview sa veteran comedienne na si Nova Villa sa YouTube (YT) channel ni Julius Babao. Sa kabila ng pagiging masayahin ni Nova ay may mabigat siyang problemang dinadala.
Ten years nang bedridden ang mister niyang si Freddie Gallegos. Na-stroke ito noong 2017. Si Nova Villa ang nag-aalaga sa kanyang mister, kinakaya niya ang mga pagsubok na dumating sa kanilang buhay.
Hindi open si Nova sa kanyang private life, kaya bihira ang nakakaalam sa mga pagsubok na kanyang pinagdaanan.
At nagpapasalamat siya sa GMA-7 dahil hindi siya nawawalan ng project, kaya may pantustos siya sa gamot ng kanyang mister.
Regular na napapanood si Nova sa sitcom na Pepito Manaloto (PM). Kasama rin siya sa action-drama seryeng Sanggang Dikit (SDFR).
Mahal na mahal ni Nova Villa ang mister niyang na-stroke, kaya patuloy niya itong inaalagaan.
Kuwento ni Nova kay Julius Babao, 15 years old lang siya nang pumasok sa showbiz. Si FPJ ang nakadiskubre sa kanya. Naging leading lady siya nito sa tatlong pelikula.










Comments