top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Kahit ikakasal na kay Arjo… MAINE, NEVER MAKAKAWALA KAY ALDEN

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 5, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | December 5, 2022



Lantaran nang inamin sa publiko ni Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub ang relasyon nila ng actor-politician na si Arjo Atayde at pinaplano na rin nga ang nalalapit nilang pagpapakasal.


Pero hanggang ngayon ay hinding-hindi pa rin matanggap ng libu- libong AlDub fans ang katotohanan. Hindi sila naniniwalang hindi nagkaroon ng relasyon ang mga idolo nilang sina Alden Richards at Maine Mendoza.


Buo pa rin daw ang AlDub tandem. Pang-showbiz career lang daw ang pagkaka-link ni Maine kay Arjo.


Kahit na anong paliwanag at pakiusap ni Maine sa AlDub fans ay nababalewala lang.


Ayaw siyang pakinggan ng mga diehard AlDub fans at umabot pa sa puntong sinisiraan ng mga ito si Arjo.


Maging si Alden Richards ay nakiusap na rin sa kanilang mga fans ni Maine pero hindi siya pinakinggan.


It seems mahihirapan nga si Maine na kumawala sa anino ng tambalang AlDub.


Masyadong possessive at makasarili ang AlDub fans. Hindi nila basta igi-give-up ang tambalang kanilang inidolo, minahal at sinuportahan nang maraming taon.


Hindi sila nawawalan ng pag-asa na makitang muli na magkatambal sina Alden Richards at Maine Mendoza.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page