top of page

Kahit idinemanda ang TV host… BEA, WELCOME SA SHOW NI OGIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 21, 2024
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Oct. 21, 2024



Photo: Ogie Diaz at Bea Alonzo - IG


Excited pero nakakaramdam ng pressure ang talent manager/comedian/vlogger na si Ogie Diaz sa pagsisimula ng programang Quizmosa sa araw na ito. 


Mapapanood ito sa ganap na 2:30 PM, Monday to Saturday, sa TV5, pagkatapos ng Eat… Bulaga!.


Kakaibang talk show ang Quizmosa dahil may hatid itong latest showbiz tsismis, na may kasamang quiz tungkol sa mga pinakabagong kaganapan sa showbiz. 


May mga contestants na maglalaban sa segment na Mamili Ka at may cash prize ang mananalong contestant. 


Makakasama ni Mama Ogs sa Quizmosa sina Tita Jegs, Tonton Soriano, at Kid Yambao. 

Open sa lahat ng artista ng iba’t ibang network ang Quizmosa at puwede silang mag-promote ng kanilang movie o concert. 


Sey nga ni Mama Ogs, welcome mag-guest sa Quizmosa sina Bea Alonzo at Dominic Roque kung gugustuhin nila kahit pa idinemanda siya ng aktres.


Malaki ang tiwala ng TV5 at Mediaquest sa kakayahan at karisma ni Ogie Diaz kaya full support ang ibibigay nila sa bagong talk show. Ipinagpagawa pa nila ng malaking billboard sa EDSA ang Quizmosa bilang bahagi ng bonggang promo.


Taob sina Sharon, Heart at Kris….

ALAHAS NI GRETCHEN, P1.2 BILYON



Gretchen Barretto - FB

GRABE ang halaga ng jewelry collection ng ilang top celebrities tulad nina Gretchen Barretto, Sharon Cuneta, Heart Evangelista at Kris Aquino.


Si Gretchen, umabot na sa halagang P1.2 billion pesos ang halaga ng kanyang jewelry collection. Mga naglalakihang South Sea pearls at perfect diamond stones ang nasa koleksiyon ni La Greta. 


Nakikita ng publiko na isinusuot ni Gretchen ang mga mamahaling alahas kapag dumadalo siya sa special events at big parties kasama si Tony Boy Cojuangco. 


Hindi kayang pantayan ng sinumang celebrity collector tulad nina Sharon, Heart at Kris Aquino ang halaga ng koleksiyon ni La Greta. 


Si Sharon Cuneta ay pumangalawa lang bilang celebrity jewelry collector na may halagang P720 million. Pumangatlo si Heart Evangelista na P600 million ang halaga ng naipundar na alahas. Si Kris ay may P440 million na na-invest sa kanyang jewelry collection.


For sure, nakatago sa bangko ang milyones na halaga ng alahas nina Gretchen, Sharon, Heart, at Kris Aquino. At maaaring naka-insured pa ang mga alahas, lalo na ang kay La Greta na bilyon ang halaga.


Sey ni Heart, bale investment na rin ang mga mamahaling alahas dahil puwedeng ibenta ito sa mas mataas na halaga. Si Megastar Sharon, sa dami ng alahas ay nagreregalo pa sa ilang kaibigang artista. Binigyan ni Shawie si Vice Ganda ng isang mamahaling bracelet, at si Regine Velasquez ay binigyan niya ng isang mamahaling singsing.



SOBRANG naging busy ang schedule ni Ara Mina pagkatapos ng kasal nila ng businessman na si Dave Almarinez, kaya hindi na natuloy ang bakasyon nila abroad para sa kanilang honeymoon.


‘Yun ang dahilan kung bakit hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak. Parehong workaholic si Ara Mina at ang mister niyang si Dave. 


Maraming tinanggap na commitments si Ara Mina sa iba’t ibang network, si Dave naman ay may mga negosyong pinagkakaabalahan. Kaya kulang na kulang ang oras upang magkasama sila ni Ara nang matagal. 


At ngayong tatakbo sa pagka-konsehal ng Pasig si Ara Mina, magiging abala na ito sa pag-iikot para mangampanya. Hindi na niya maisisingit ang baby project nila ni Dave. Gusto pa naman ni Dave ng isang baby girl, samantalang si Ara Mina ay baby boy ang gustong maging anak na papangalanan nilang Dave Christopher.


Ganunpaman, ayaw muna nina Ara at Dave na paasahin ang kanilang mga kaibigan at supporters. Ayaw na nilang magbigay ng timeframe kung kailan darating ang kanilang little angel. Basta kung kailan ibibigay, ay pasasalamatan nila kahit boy o girl pa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page