top of page
Search
  • BULGAR

Kahit hot at beautiful pa… ARCI, 'DI FEEL MAGING GF NI TOMORO, HANGGANG FRIENDS LANG

ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 27, 2022


Nasa 'Pinas ngayon ang sikat na Japanese singer-rapper na si Tomoro para sa short visit to promote his new released song and music video titled Let Me Hold You kung saan kasama niya ang aktres-singer ding si Arci Muñoz at may collab siya with American-Jamaican singer na si Sean Kingston.


Of course, curious ang press people na um-attend sa mediacon ni Tomoro last Sunday sa Hive Hotel kung paano sila nagkakilala ni Arci at kung paano napili ang aktres para makasama sa music video niya.


Kuwento ng Japanese singer-rapper, nagkakilala sila 5 yrs. ago nang magpunta si Arci sa Japan at kumain sa resto na pag-aari niya. Nagpakilala naman daw itong aktres pero siyempre, hindi naman familiar si Tomoro sa ating local showbiz industry kaya maiintindihan kung hindi man siya na-starstruck kay Arci.


Although inamin ni Tomoro na "hot at beautiful" ang impression niya kay Arci, diretsahan niyang sinagot ang press people na friends lang sila nang tanungin siya kung posible bang ligawan niya ang aktres or kung type ba niyang maging girlfriend ito.


Matagal na raw siyang walang girlfriend dahil ang kanyang singing career ang priority niya sa ngayon.


Though, open din naman siya sa possibility na magkaroon ng Pinay girlfriend dahil super na-enjoy niya ang stay niya rito sa 'Pinas at natutuwa siya sa magandang ugali ng mga Pinoy.


"Kind, good at beautiful" naman ang mga qualities na hinahanap niya kung magkakaroon man siya ng girlfriend.


Open din daw siyang magkaroon ng acting career dito sa 'Pinas, at feeling namin, hindi mahihirapang sumikat si Tomoro kung mag-decide man siyang mag-artista rito sa atin dahil bukod sa good-looking siya, napaka-charming niya at very accommodating sa lahat.


Wala siyang angas sa katawan sabihin pang marami rin siyang followers sa Japan at online.


Edge rin niyang nakakapagsalita siya ng English kaya for sure, hindi rin siya mahihirapang mag-aral ng Tagalog.


Tomoro wishes to establish his fan base in Manila, with the assistance of his friend, actor Polo Ravales na tumutulong sa kanya habang nandito siya sa atin.


Pero paglilinaw ni Polo, hindi naman siya ang manager ni Tomoro at tuloy pa rin siya sa kanyang acting career, bagama't matagal-tagal na rin siyang napahinga dahil sa pandemic.


Soon, may gagawin daw siyang movie sa AQ Prime.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page