Kahit hiwalay na… PANCHO, "MOMMAH" PA RIN ANG TAWAG KAY MAX
ni Nitz Miralles - @Bida | August 30, 2022

Birthday ni Max Collins noong August 28 at binati siya ni Pancho Magno at sa video post nila ng kanyang anak na si Skye, binati ni Pancho si Max ng "Happy Birthday Mommah @maxcollinsofficial.”
Sumagot si Max ng three red heart emojis na ikinatuwa ng mga netizens.
May nag-birthday wish pa nga kay Max na sana’y magkabalikan na sila ni Pancho para magtuluy-tuloy na ang kanyang kilig.
May nag-comment din na magkabalikan na sila para masundan ang eldest nilang si Skye na guwapo raw.
Meron namang natuwa na kahit hiwalay na sina Max at Pancho, maganda ang kanilang relasyon, walang siraan, walang nagpapainterbyu at tahimik lang sila. Sana raw, ganu’n ang ibang couples na naghihiwalay.





Comments