top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahit ginampanan niya ang role ng singer… RK, AMINADONG AYAW MAKITA SI REY SA SHOOTING NG MOVIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 29, 2023
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 29, 2023




Kasama ang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera) sa First Summer Metro Manila Film Festival kaya nang mahingan ng reaksiyon ang aktor na si RK Bagatsing tungkol dito ay ito ang masayang sabi niya, "Uy, makakasakay na ako sa float (Parade of Stars)."


Dagdag pa nito, "First time ko kasing mapasama sa Metro Manila Film Festival. Wala pa akong movie na napasama dati."


Nang inialok daw sa kanya ang karakter na Rey Valera ay nagsabi kaagad siya na bagama’t kumakanta siya ay hindi naman ganu’n kaganda ang boses niya.


Pero, ang katwiran naman ni Direk Joven Tan ay may mga na-record na silang mga kanta, kailangan lang talaga na may gaganap sa nasabing karakter.


"Ngayon kasi sa stage ng career ko, ayaw kong maging safe. Sabi ko, natatakot ako, pero 'yan 'yung mga gusto kong project, ‘yung natatakot ako. So, nag-yes ako sa proyekto," saad ng aktor.


Hindi naman nagkamali ang Saranggola Media sa pagkuha kay RK dahil kita ang husay nito sa pelikula at bilang tahimik ding tao ang aktor ay nagswak nga ang personalidad nila ni G. Rey Valera.


"It’s really a big honor to play Mr. Rey Valera in his biopic. He’s one of our country’s most popular singer-songwriters, with so many hit songs to his credit. So, I’m very proud to play him in this movie. I did my very best to make sure na hindi naman ako mapahiya in portraying him on the big screen," pahayag ng aktor sa naganap na grand mediacon nitong Marso 25 sa Gloria Maris, Gateway Mall.


Sumakto ulit ito para kay RK dahil mahilig siya sa classic songs.


"Ako naman po kasi, kumbaga, puwedeng sabihin na old soul. Kasi mahilig talaga ako sa classics, eh. Matagal na akong nakikinig ng mga ganu'n. Nasa playlist ko 'yan.


"And ever since, growing up, 'pag bumibisita kami sa lola ko or 'pag Sunday, 'di ba, naririnig mo 'yung mga classics? So, naririnig ko 'yan.


"And ngayon, simula nu’ng ginawa ko 'yung pelikula ni Sir Rey, meron na akong playlist talaga sa Spotify. 'Pag nagmamaneho ako, kahit ano. Kasi lahat naman po ng mga kinanta ni Sir Rey ay natutugma sa mga pinagdaraanan mo, anuman 'yun. So, naka-ready 'yan sa playlist ko."


Sa entire shooting pala ng pelikula ay hindi nagkaroon ng pagkakataon na magkita sina RK at G. Rey na ayaw din naman palang mangyari ng aktor dahil baka lalo siyang ma-pressure at mawala na siya sa focus.


Ang ginawa niya para makilala niya ang mahiyaing mang-aawit ay nag-research siya online.


"Maraming materials online talaga na pinanood ko lang at isinapuso. And tulad ng sinabi ko before, 'pag nakikinig ka ng mga music niya, in a way, parang napapasok ka na sa mindset niya," saad ng aktor.


Ang challenge lang kay RK, "Kasi ang init talaga nu’ng suot kong wig. Saka, meron kaming isang shooting day na sobrang init, ang sakit ng ulo ko the whole time na nagsu-shooting kami.


"Sa bawat eksena, kailangang kalimutan ko 'yun at gawin ang mga ipinapagawa sa akin.


Pero, other than that, sobrang nag-enjoy ako sa set. Kasi ang saya-saya ng buong production, saka si Direk Joven."


Anyway, two weeks ago ay nagkaroon ng special screening ang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko. Abut-abot ang kaba ni RK dahil iniisip niya kung ano ang magiging reaksiyon ng nasabing music legend sa acting niya.


"Nakaharap ko na siya at may mga sinasabi siya sa akin, pero tumatagos lang sa kabilang tenga ko and eventually, nu’ng natapos ang pelikula at nakita kong ngumiti siya, and while watching, nakita ko, tumitingin siya sa amin (puwesto), gumaganu’n siya (thumbs up), so, unti-unti, nawawala 'yung kaba namin ni Direk Joven. Tapos, ang una niyang (Rey) sinabi sa akin, 'Alam mo, okay ito (pelikula) kasi ang mensahe nito ay inspirasyon para sa mga nangangarap.'"


Bukod kay RK, kasama rin sa movie sina Christopher de Leon, Gelli de Belen, Rosanna Roces, Aljur Abrenica, Rico Barrera, Josh de Guzman, Lotlot de Leon, Jenine Desiderio, Meg Imperial, Ronnie Lazaro, Gian Magdangal, Carlo Mendoza, Ara Mina, Arlene Muhlach, Pekto Nacua, Eric Nicolas, Dennis Padilla, Epy Quizon, Arman Reyes, Ariel Rivera, Ricky Rivero, Lloyd Samartino, Shira Tweg, Lou Veloso at Gardo Versoza.


Anyway, mapapanood na ang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko sa pagsisimula ng First Summer Metro Manila Film Festival sa Abril 8 hanggang 18.

Kitakits sa mga sinehan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page